Scarlet Snow Belo, Kahanga-hanga ang Naging Hiling sa Kanyang mga Magulang sa Ginawa Nilang “Saying Yes for 24 Hours Challenge”

Muling hinangaan ng maraming netizens ang anak ng mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo. Ito ay dahil sa murang edad ni Scarlet, ay kinakitaan na siya ng pagiging matulungin niya sa kanyang kapwa matapos nga niyang hilingin ang isang bagay sa kanyang mga magulang.

Credits: Dr. Vicki Belo  | YT

Nito nga lamang nakaraan ay naging kakaiba ang YouTube vlog ng mommy ni Scarlet na si Dra. Vicki Belo. Ito ay dahil gumawa ang celebrity doctor ng sariling bersyon niya ng nau-usong content ngayon sa YouTube na “Saying YESfor 24 Hours Challenge.”

Credits: Dr. Vicki Belo  | YT

Naiiba ang bersyon na ito ni Dra. Vicki Belo, dahil sa bersyon nila ay may 24-Hours ang anak nilang si Scarlet na humiling ng lahat ng bagay na naiisin nito, at sila ng kanyang asawang si Hayden Kho ay puro “YES’ lamang ang magiging tugon sa anumang maging kahilingan ng kanilang anak.

Credits: Dr. Vicki Belo  | YT

Sa edad ni Scarlet, aakalain natin na ang papasok sa kanyang isipan na magiging kahilingan niya sa kanyang mga magulang ay mga laruan, dahil tunay namang ito ang karamihan na hinihiling mga batang tulad niya. Ngunit, naging kakaiba ang hiling ni Scarlet, at ito nga ay nagpahanga sa mga netizens.

Dahil imbis na laruan o bagay na para sa kanya, ang hilingin ni Scarlet, ay hiniling niya sa kanyang mga magulang ang isang bagay na para sa ibang tao.

Credits: Dr. Vicki Belo  | YT

Hiniling ni Scarlet sa kanyang mga magulang sa ginawa nilang “Saying Yes for 24 Hours Challenge” ay ang pamimigay ng pagkain sa mga taong nasa lansangan. Hiniling nga niya na sila ay mamigay ng 30 pirasong burger sa mga taong nasa lansangan na nangangailangan ng pagkain.

Ayon kay Scarlet, naisip niya ang bagay na ito, dahil naalala niya ang isang taon nakita niya sa lansangan na may hawak na ‘sign’ na may nakalagay ngang “HELP I NEED FOOD.”

“I thought of that because, before, there was one person in the street holding a sign “HELP I NEED FOOD.”

Maliban pa dto, ay ibinahagi rin ni Scarlet ang tungkol sa kapitbahay nilang lalaki sa Paris, na madalas umano nilang binibigyan ng pagkain at pera.

Credits: Dr. Vicki Belo  | YT

Samantala, ang kahilingan naman ni Scarlet, ay agad ding pinagbigyan ng kanyang mga magulang, at makikita nga ang naging pagbili nila ng burger na may kasama na ding softdrinks sa isang kilalang food chain sa ating bansa, kung saan ito nga ay ipinamahagi nila sa mga taong nasa lansangan at walang makain.

Makikita ang mga bata at matanda sa lansangan na nabigyan ng burger at softdrinks na mula sa naging kahilingan ni Scarlet sa kanyang mga magulang. Masisilayan naman sa mukha ng bawat nabigyan ang kasiyahan sa kanilang mga ngiti dahil sa pagkain na kanilang natanggap.

SAYING YES TO SCARLET FOR 24 HOURS! | DR. VICKI BELO

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *