Sa Unang Pagkakataon, Joross Gamboa Ipinasilip ang Napakaganda at Nakakarelaks na Beach House sa Quezon ng Kanilang Pamilya

Ilang buwan na nga lamang at nalalapit na naman ang “summer”, kung saan mas madalas na nagba-bonding ang isang pamilya na magtungo sa mga lugar na maari silang mag-relaks at magbonding. Ilan nga sa madalas na puntahan ng mga pamilya kapag summer ay ang mga resort na mayroong magandang tanawin at pool o dagat, kung saan sila maaring magtampisaw.

Credits: Joross Gamboa | IG

Tila naman sa summer, ay may tatambayan na palagi ang pamilya ng aktor na si Joross Gamboa, ito nga ay matapos ibahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang kanilang napakaganda at nakakarelaks na beach house ng kanyang pamilya na matatagpuan nga sa Quezon.

Sa unang pagkakataon ay ipinasilip ni Joross ang beach house na pag-aari ng kanilang pamilya, kung saan ilang mga larawan nga na kuha sa ‘beach house’ nilang ito ang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Credits: Joross Gamboa | IG

“Gamboa’s Family Beach Home,” aniya sa kanyang caption.

Dagdag pa niya, “Thank You Lord sa blessing na eto! All Glory to God! Sa lahat ng bumubuo neto SHARARAWT sa inyo! Family of Gamboa-Sanchez, Alba-Gamboa, Gamboa-Saga, Gamboa-Escusa, Gamboa-Rapiz.”
Ang property nga na ito nina Joross ay matatagpuan sa Costa Sariya, sa Sariaya, Quezon Province.

Credits: Joross Gamboa | IG

Mababasa rin sa caption ng aktor sa kanyang Instagram post, ang kanyang pangako na “soon” ay itatampok niya sa kanyang vlog sa Youotube na “THE GAMBOA CHANNEL” ang kanilang beach house.

Agad namang bumuhos ang maraming pagbati para sa aktor na mababasa sa komento ng kanyang IG post. Isa nga sa mga nagkomento ay ang aktres at kanyang Star Circle Quest batchmate na si Neri Naig, na kilala rin ngayon bilang ‘madiskarte mom’ dahil sa dami ng mga naipundar niyang property bunga ng kanyang pagiging madiskarte.

Credits: Joross Gamboa | IG

“Niiiiiiiiice!!!!! Congratulations

, Joross!!!!” ani Neri, na may sarili na ring rest house sa Alfonso, Cavite.

Maging si Kathryn Bernardo na naging kasamahan ni Joross noon sa “La Luna Sangre at Hello, Love, Goodbye” ay nagkomento ng, “Congrats bro and ate Katz!🥳🤍”.

Credits: Joross Gamboa | IG

Maliban kay Neri at Kathryn, ay may ilan pa ngang celebrity ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa aktor, ito nga ay sina Kakai Bautista, Aaron Villaflor, JC De Vera at Derek Ramsay.

Matatandaan na noong buwan ng Abril ng unang ibahagi ni Joross sa kanyang social media account na ang kanyang pamilya ay may ipinapatayong bagong beachfront, na matatagpuan nga sa Sariaya Quezon.

Credits: Joross Gamboa | IG

Si Jorros Gamboa ay unang sumikat sa tambalan nila noon ng dati niyang onscreen partner at nobyang si Roxanne Ginoo na “JoRox”, kung saan nagsimula nga ang pagiging magkatambal nila ng sila ay mapanood sa Star Circle Quest noong taong 2004. Siya ay huling napanood sa iWantTFC original series na “Hoy, Love You” kung saan ay muli nga niyang nakasama sa proyekto si Roxanne.

Taong 2014 nang ikasal si Joross sa misis niyang si Kathy Kimberly Saga, ay ang kanilang pagsasama ngang mag-asawa ay nabiyayaan na ng dalawang anak, si Jace Kyler at John Kody.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *