Rob Moya Naging Emosyonal sa Naging Paghaharap Nila ni Vince Flores ang Nauugnay Ngayon kay Toni Fowler

Nagkaharap na ang dalawang lalaking naugnay kay Toni Fowler, at ito nga ay sina Rob Moya at Vince Flores.

Credits: Toni Fowler | IG

Kamakailan lamang sa bagong update ni Vince Flores sa kanyang latest vlog ay makikita ngang ang kanyang panauhin at kasama ng oras na ‘yon ay ang dating karelasyon ni Toni Fowler.

Sa paghaharap nga nina Vince at Rob sa vlog na ito, ay nagkaroon ng pagkakataon si Vince, na maitanong kay Rob ang ilan sa mga bagay-bagay na ibinabato ng mga netizens. Isa nga sa mga naging katanungan ay kung ano nga ba ang naramdaman nito, ng malaman na ang dating karelasyon na si Toni Fowler ay nahulog na ang loob sa kanya.

Credits: Tito Vince | YT

Ang katanungan nga na ito ni Vince ang nagpa-emosyonal kay Rob, kung saan ay muli nga niyang inalala ang kanyang naramdaman noong malaman niya na ang babaeng kanyang minamahal noon ay nagkagusto na sa iba.

Pag-amin ni Rob, ng mga panahon na ‘yon ay labis siyang nasaktan, sapagkat si Toni ang pinakamatagal niyang nakarelasyon, at si Vince naman ay talagang malapit sa kanya dahil kapatid na ang turing niya dito.
Kahit naman nasaktan, ay nilinaw ni Rob na wala siyang galit na nararamdaman para kay Toni at Vince.

Credits: Tito Vince | YT

Samantala, sa nasabing vlog din ay sinabi ni Rob na sa naging relasyon nila noon ni Toni, ay hindi siya nambabae, at ang dahil umano ng palagi niyang pag-alis sa kanilang bahay, ay dahil sa may tao siyang iniiwasan.

Maging si Vince naman ay naging emosyonal din ng siya nga ay humingi na ng tawad kay Rob. Pag-amin niya, nang mga panahon na magkarelasyon pa ito at si Toni ay wala umano siyang gusto dito. Dagdag pa niya, nahulog lang ang loob niya kay Toni ng nagkaroon na ng problema.

Ayon naman kay Rob, sakaling sina Vince at Toni na nga ang magkatuluyan ay buo ang suporta niya para sa dalawa, sapagkat maging ang dalawa ay nagpapakita rin ng kanilang suporta sa relasyon nila ng kanyang kasintahan ngayon.

Nang maitanong pa ng ani Vince kay Rob, kung sakali bang ikasal sila ni Toni ay magagawa ba nitong dumalo sa kasal nila, ay agad na “OO” ang isinagot ni Rob, sapagkat ayon nga sa kanya, lahat ay ‘deserve’ na maging masaya.

Credits: Toni Fowler | IG

Dagdag pa niya, masaya siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon sapagkat ang lahat nga ay unti-unti ng bumabalik sa dati, matapos ang gusot na pinagdaanan nila noon ni Toni sa kanilang relasyon.

Naibahagi din ni Rob na ngayon ay mas lalong masaya ang kanyang buhay, dahil maayos na ang lahat, at talaga namang ‘very thankful’ siya sa karelasyon niya ngayon na si Jen, dahil sa suporta nito sa kanya at sa pag-intindi nito.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *