Ang kilalang aktres at celebrity mom na si Ruffa Gutierrez ay hindi lamang nga mahusay pagdating sa pag-arte, kundi taglay rin ang kahanga-hangang kagandahan. At ang taglay na kagandahan ni Ruffa ay nagdala sa kanya sa tagumpay bilang isang beauty queen at isang aktres.
Credits: Lorin Gabriella Gutirrez | IG
Hindi naman na nakapagtataka na ang angking kagandahan ni Ruffa ay namana ng kanyang dalawang anak na babae na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran na mga anak niya sa kanyang dating asawang si Yilmas Bektas.
Hindi man pinalad ang puso ni Ruffa na makasama sa huli ang ama ng kanyang mga anak, ay napakapalad naman niya sa pagkakaroon ng dalawang magagandang anak. At ang panganay na anak nga ni Ruffa na si Lorin, ay tila susunod rin sa yapak niya bilang isang beauty queen dahil sa taglay nitong kagandahan.
Sa ngayon ay 18 taong gulang na si Lorin, at hindi naman talaga maikakaila na dalagang-dalaga na ito. Makikita nga sa mga litratong ibinabahagi ng dalaga sa kanyang social media account na isa na itong ganao na dalaga.
Credits: Lorin Gabriella Gutirrez | IG
Masisilayan sa mga litrato ang maganda niyang mukha, at makurbang hubog ng katawan, idagdag pa nga rito ang kanyang kahanga-hangang tangkad, ay talaga nga namang mala-beauty queen ang taglay niyang kagandahan.
Noong ika-3 ng Agosto 2003 ang isilang ni Ruffa si Lorin at sa mabilis na paglipas ng panahon, ay siya ring pagiging isang ganap na dalaga ni Lorin. Ang kanyang kapatid na si Venice, ay katulad rin niya na may napakagandang mukha na walang duda na namana nila sa kanilang inang beauty queen.
Credits: Lorin Gabriella Gutirrez | IG
Kapansin-pansin naman, na pagdating sa fashion, ang mga style at taste of fashion ni Lorin ay nasusunod sa uso. Dahil nga dito ay mas lalong lumilitaw ang mala-beauty queen na kagandahan ni Lorin. Kasama ang kanyang kapatid na si Venice, ay unti-unti na rin silang sumusunod sa yapak ng kanilang ina sa mundo fashion at entertainment industry. Sa katunayan nga nito, ay ilang ulit na silang nasilayan sa local brand campaigns at magazines.
Credits: Lorin Gabriella Gutirrez | IG
Si Lorin ay kabilang sa angkan ng Gutierrez kung saan ay kilalang pamilya ng mga artista sa industriya ng showbiz. Kaya naman, hindi pa man tuluyang pumapasok sa industriya ng showbiz ang dalaga, ay tiyak na may magandang oportunidad na ang naghihintay sa kanya. Ngayon nga, ay makikita naman na aktibo si Lorin sa pagbibigay ng updates sa kanyang dumaraming tagahanga patungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay sa pamamagitan ng social media.