Pagkatapos ng Matagumpay na “No Phone Challenge” sa Kanyang Pamilya, Ivana Alawi Binigyan ang Kanyang Ina at Dalawang Kapatid ng Tig-Isang IPhone13

Sa bagong vlog ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ay talaga namang marami ang napa-Sana all! Ngunit bakit nga kaya? Mapapansin natin na sa panahon ngayon ay tila nga naman ang mga tao ay mas marami ng oras ang nailalaan sa pag-gamit ng gadgets, tulad ng cellphone.

Credits: Ivana Alawi | YT

Kaya naman naisip ni Ivana sa kanyang bagong vlog ang isang “kabuangan” na kanya ngang sinabi, kung saan ay isa itong “No Phone Challenge” para sa kanyang pamilya, ngunit sa huli ay may sorpresa siya para sa mga ito kapag napagtagumapayan nila ang chellenge.

Naibahagi ng actress-vlogger sa simula ng kanyang vlog ang buhay nila noong wala pa ngang gadgets ay masaya naman nilang nagagawa ang mga bagay-bagay kagaya ng paglalaro sa buhangin, sa kalye, sa swimming pool. Ngunt ngayon nga, ay tila kung gawin man nila ang ga bagay na ito ay laging nasa tabi ang kanilang mga cellphone.

Credits: Ivana Alawi | YT

Samantala, sa pagsisimula ng kanyang “No Phone Challenge”, ay una ngang kinuha ni Ivana ang cellphone ng kanyang kapatid na si Mona, na ang ginawa nga niyang diskarte para maitago ito, ay sinabi niyang may magic trick siyang gagawin. Pinalagay niya kay Mona ang cellphone nito sa loob ng isang itim na bag, tapos ay itinakbo nga niya ito pataas at doon na niya ito itinago.

Credits: Ivana Alawi | YT

Sunod namang kinuha ni Ivana ang cellphone ni Hash, at ang huli nga ay ang sa kanyang ina, na tila nga nagre-relaks pa sa poolside.

Noong una ay taking-taka ang kanyang pamilya sa ginawa niyang pagtago sa mga cellphone ng mga ito. At sinabi na nga niya na ang ginawa niya ay para sa kanilang gagawing “No Phone Challenge” sa loob ng 24 hours, kung saan silang lahat nga ay hindi gagamit ng cellphone. Naging paraan nga ito para silang mag-pamilya ay magbonding ng walang anumang pinagkakaabalahang gadgets.

Credits: Ivana Alawi | YT

Makalipas nga ang 24-oras sa pagiging matagumpay nilang “No Phone Challenge”, ay dito na nga nagdesisyon si Ivana na ibalik na ang cellphone ng kanyang ina at mga kapatid. Hindi naman inasahan ng pamilya ng actress-vlogger, ang sorpresa ni Ivana, dahil maliban nga sa kanilang cellphone, ay binigyan sila nito ng tig-isang bagong Iphone13.

Bago naman tinapos ni Ivana ang kanyang vlog, ay may naging magandang balita rin ito para sa kanyang mga followers, dahil mamimigay siya ng isang pink Iphone13 sa maswerteng followers niya na mapipili.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *