Nikki Gil, Isinilang Na Ang Kanyang Pangalawang Anak Na Isang Napakacute Na Baby Girl

Hindi matatawaran ang sayang nadarama ngayon ng sikat na singer na si Nikki Gil at asawa nitong si BJ Albert matapos ipagkaloob sa kanila ang kanilang pangalawang anak.

Isang na ngang ganap na mother of two ang singer-actress na si Nikki, at nito lamang araw ng Linggo ika-10 ng Oktubre ay kanya itong isinapubliko.

Credits: Nikki Gil | IG

Masayang ipinaabot ni Nikki ang magandang balita sa pamamagitan ng isang Instagram post. Makikita sa post ni Nikki ang kanyang larawan habang nasa delivery room kasama ang kanyang new born baby na pinangalanang Madeline Elle.

Sa caption naman ng kanyang post, ay hindi maitago ni Nikki ang kanyang labis na kaligayahan at pasasalamat sa Diyos dahil ligtas at malusog niyang isinilang si Baby Madie.

Credits: Nikki Gil | IG

“Our little miss Madeline Elle arrived a few days ago and we’re completely smitten! Thank you Lord for our sweet Maddie.”

Base naman sa makikitang logo ng hospital sa close up photo ng baby girl ni Nikki, ay sa Lukes Medical Center sa Quezon City siya nanganak.

Samantala, agad namang bumuhos ng pagbati mula sa mga netizens ang pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya. Maging ang malalapit na kaibigan sa showbiz ni Nikki ay hindi rin pinalampas ang pagkakataon na mag-iwan ng komento sa kanyang post.

Credits: Nikki Gil | IG

Ilan nga sa mga kilalang celebrities sa showbiz ang iwan ng komento ng pagbati sa pagdating ni Baby Madie ay sina Marian Rivera, Isabel Oli-Prats, Anne Curtis-Smith, Shaina Magdayao, Cheska Garcia, Andi Manzano, Kaye Abad, Jackie Lou Blanco, Erik Santos, Iya Villana, at marami pang iba.

Credits: Nikki Gil | IG

Matatandaan naman na unang inanunsiyo ni Nikki ang kanyang pagbubuntis sa kanyang pangalawang anak noong Abril 2021. Pagsapit naman ng buwang ng Agosto, ay inihayag naman ng singer-actress na ang kanyang panganay na si Finn ay soon to be Kuya sa kanyang baby sister. At sa pagdating ni Baby Madie, ay nakompleto na nga nito ang pamilyang hinahangad ni Nikki dahil ngayon ay may anak na siyang lalaki at babae.

Matagal na ring hindi nasisilayan sa telebisyon ang mahusay na singer at aktres. At ito nga ay dahil halos limang taon nang nilisan ni Nikki ang industriya ng showbiz magmula ng ikasal siya sa kanyang asawang si BJ noong Nobyembre 2015.

Credits: Nikki Gil | IG

Espesyal naman ang naging pagdiriwang ng 2nd wedding anniversary nina Nikki at BJ, dahil sa araw na ito ay masaya nilang sinalubong ang pagdating ng panganay nilang anak na si Finn, na malapit nang magdiwang ng kanyang ikaapat na taong kaarawan sa darating na buwan ng Nobyembre.

Congratulations and welcome to the world, Maddie!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *