Netizens Namangha sa Pamangkin Ng Yumaong Aktor na Rico Yan Dahil Kamukhang-Kamukha Ito ng Aktor

Mag-iisang dekada na ang lumipas magmula nang pumanaw ang matinee idol na si Rico Yan. Ngunit, kamakailan lamang nga ay nanumbalik ang matamis na alaala lalo na ang kanyang imahe matapos mag-viral sa social media ang larawan ng kanyang pamangkin.

Photo Credits to the Owner

Bagama’t tuluyan nang nilisan ni Rico ang mundong ibabaw sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay, ay hindi naman nakalimot ang kanyang mga masugid na tagahanga na alalahanin ang matatamis niyang alaala. Sa ngayon ay patuloy paring sinasariwa ng mga fans ng RYCB o ang Rico Yan-Claudine Barretto ang alaala ng yumaong aktor.

Photo Credits to the Owner

At kamakailan lamang, ay nabigyang kasiyahan ang mga fans ng RYBC matapos masilayan ang larawan ng pamangkin ni Rico Yan, dahil kamukhang-kamukha ito ng yumaong aktor. Ang nasabing pamangkin ni Rico Yan, ay anak ng kanyang kapatid na si Geraldine.

Tila nga muling nasilayan ang gwapong mukha ng aktor sa mukha ng kanyang pamangkin dahil sa sobra nilang pagkakahawig. Ang nasabing larawan ng pamangkin ni Rico Yan ay ibinahagi ng isang tagahanga sa Facebook group na RYCB Forever. Ayon sa nagpost, ay nakuha ng pamangkin ni Rico Yan ang gwapo nitong mukha maliban lamang nga sa dimples ni Rico at talagang magkamukha sila maliban lamang nga sa dimples ni Rico.

Photo Credits to the Owner

Marami naman sa mga members ng nasabing Facebook group ang sumang-ayon sa nagpost na magkahawig nga ang mag-Tiyuhin. Marami rin sa kanila ang natuwa dahil nga tila muling nabuhay ang kanilang idolo sa katauhan ng pamangkin nito. May ilan rin naman na nalungkot at biglang namiss ang kanilang idolo matapos masilayan ang larawan ng pamangkin ni Rico.

Hindi naman maikakaila taglay ng pamangkin ni Rico ang gwapong mukha na tulad niya. Kaya naman, marami ang umaasa na sana raw ay pumasok sa showbiz ang pamangkin ni Rico at sa ganitong paraan ay para na rin raw nabuhay ang kanilang idolo kapag muling nasilayan sa telebisyon.

Photo Credits to the Owner

Ilang taon na ring lumipas nang pumanaw si Rico, ngunit ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga tagahanga ay hindi kumukupas. Matatandaan na pumanaw si Rico Yan noong March 29, 2002 matapos matagpuang walang buhay at masawi sa kanyang pagtulog. Bago naman bawian ng buhay si Rico ay nakasama pa niya ang kanyang mga kaibigan noong March 28, 2002, kung saan nga naghanda pa siya ng pagkain para sa kanyang mga kaibigan sa unang pagkakataon. Ngunit, sa kasamaang palad matapos matulog ng bandang alas dos ng madaling araw, ay hindi na nagising pa ang aktor.

Photo Credits to the Owner

Ayon sa ulat, ay nasawi si Rico dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis. Ayon sa mga kaibigan ng aktor ay narinig nila itong umuungol bandang alas sais ng umaga ngunit hindi nila ito pinansin sa pag-aakalang humihilik lamang ito. At pagsapit nga ng 9AM ay dito na nakumpirma ang pagpanaw ng aktor sa edad na 27 taong gulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *