Nadine Lustre at Kanyang Pamilya, Usap-Usapan na Maninirahan na sa isla ng Siargao Dahil sa Naging Groudbreaking Photo ng Kanyang Ama sa Isla

Lingid sa kaalaman ng marami na ngayon nga ay madalas ng nasa Isla ng Siargao ang aktres na si Nadine Lustre. At kamakailan nga lamang ay madalas na maging usap-usapan kung tulad ba ng aktres na si Andi Eigenman ay sa nasabing isla na rin ng aba maninirahan si Nadine.

Mas naging maugong pa ngayon ang usapin na ito, kung saan tila nga hindi lamang si Nadine ang maninirahan na sa isla ng Siargao, kundi maging ang kanyang pamilya. Ito nga ay matapos na magbahagi ng kanyang ama ng isang post sa social media, na tila nga pahiwatig ng doon na sila sa sila maninirahan.

Usap-usapan nga ngayon sa social media ang larawan na ibinahagi ni Nadine, ito ay dahil makikita sa naturang larawan na tila ito isang groundbreaking. Ang naturang post ay wala namang anumang nakadetalye, kung ito ba ay kung para kanino, at kung tahanan ba ito o isang establisyemento na para sa negosyo.

Hindi pa man batid ng mga tagahanga ni Nadine kung ano nga ba itong ipinapatayo ng pamilya niya sa isla ng Siargao, ay agad ng nagbigay ng kanilang opinyon at excitement ang mga ito. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“Wow mukhang sa isla na nga talaga maninirahan si Nadine.”

“Bahay siguro yan o negosyo. Congrats, Nads and family.”

“Mukhang magsasama na sa Siargao si Nadine at ang boyfriend niya ah”

“Congrats Nadine, pure blessings ang natatanggap ah.”

Hindi nga naman imposible na manirahan si Nadine sa isla ng Siargao, kasama ang kanyang pamilya, lalo na’t sa naturang isla naninirahan ang umored boyfriend ng aktres na si Christopher Bariou, ang may-ari at CEO ng online magazine na BE Siargao. Ang binata rin ang umanoy ng Maison Bukana, isa sa mga luxury resort sa naturang isla.

Kamakailan lang din ng mabanggit ng vlogger at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang showbiz update vlog na pormal ng nagparehistro sa isla ng Siargao si Nadine.

Samantala, makikita naman sa mga larawan ni Nadine na kuha sa isla ng Siargao na talaga namang ini-enjoy niya ang pananatili doon, kung saan maging ang kanyang mga magulang nga ay kasama rin niya sa isla.

Tila nga may bagong magiging Andi Eigenman na, at ito nga ay si Nadine, dahil tila nga unti-unti ng nag-iinvest sa isla ang aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *