Mga Netizens, Kinagiliwan ang TikTok Video ni Danica Sotto Kung Saan Kasama Niya ang Kanyang Anak at Ina Niyang si Dina Bonnevie

Sa panahon ngayon isa sa mga kinalilibangan ng mga tao ay ang pag-gamit ng mga nakakatuwang online apps, at pinaka-popular nga sa mga ito ay ang TikTok. Talaga namang napakarami ang gumagamit ng TikTok apps, kung saan maging mga sikat na celebrity ay natutuwa at nalilibang sa pag-gamit nito.

Halimbawa na nga lamang nito ay ang aktres na si Danica Sotto. Samantala, nito nga lamang nakaraan, sa kanyang Instagram account, ay nagbahagi si Danica ng panibagong TikTok video, kung saan ay makikita na kasama niya ang kanyang anak na at ang ina niyang si Dina Bonnevie.

Makikita sa ibinahaging TikTok video ni Danica, na game na game sa pakikipagsabayan ng pagiling at pagsayaw sa kanila ng kanyang anak, si Dina Bonnevie, ang ina nga niya na isa ring kilalang aktres.

“Three generations. So happy we got to see Mama D today. @dinabonnevie #gratefuleveryday #internationaldaughtersday.”

Dahil sa husay nilang magpamilya, ay tila nga isang showdown ang naganap sa pagitan nga ng ina, anak at apo, kaya naman talagang maraming mga netizens ang kinagiliwan ang TikTok video nilang ito.
Ang tugtog nga na maririnig na sinasabayan ng indak ni Danica, kanyang anak at ina niyang si Dina, ay ang awiting “Let’s Groove Tonight”,na talaga namang nakakaindak ang saliw ng musika na ito.

Ayon naman kay Danica, ay labis ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang ina sa panahon na ito, lalo na at bihira na nga niya itong makasama dahil sa paglaganap ng pandemya, kung saan ay marami ngang protocols ngayon ang ipinapatupad upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa ating bansa.

Ikinatuwa naman ng marami ang ibinahagi na ito na video ni Danica, kung saan maging ilan nga sa mga kaibigan nila sa industriya ng showbiz ay kinagiliwan rin ang panonood sa ginawa nilang pagsasayaw.

Narito nga ang ilan sa mga mababasang mga komento ng mga netizens sa TikTok video na ibinahagi ni Danica Sotto;

“Nasapawan kayo ni Ms. D Y’all look beautiful btw”

“Maganda pa din Ms. Dina 3 Generation pala. Beautiful like the 3 of you.”

“Pretty nga anak mo ms Danica mana sayo at sa mommy mo godbless po”

“Grabe parang triplet, magkamukha po kayong tatlo, si Miss D hindi tumatanda.”

Matatandaan na noon ay naibahagi ni Danica na nung siya ay teenager pa ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang inang si Dina Bonnevie, ngunit makikita naman ngayon na silang mag-ina ay maayos na, at malapit na nga sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *