Mapa-Sana All sa Brand New SUV na Regalo ni Richard Gutierrez sa Misis Niyang si Sarah Lahbati

Talaga namang naging “speechless” ang aktres na si Sarah Lahbati sa naging bonggang sorpresa sa kanya ng mister niyang si Richard Gutierrez. Sino ba naman kasi ang hindi masu-sopresa kung ikaw ay bigyan ng bagong sasakyan.
Labis na kasiyahan naman talaga ang naramdaman ni Sarah Lahbati ng sorpresahin siya ng bagong SUV (sports utility vehicle) ng kanyang asawang si Richard.

Credits: Sarahlahbati | IG

Noon ngang araw ng Linggo, ika-24 ng Oktubre ay masayang ibinahagi ng aktres na si Sarah Lahbati ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang mister na si Richard Gutierrez, kalakip nga nito ay ang larawan ng isang ‘green Jepp Wrangeler’ na sorpresa nga ng kanyang asawa sa kanya.

Credits: Sarahlahbati | IG

“Not one to ask for material things (doesn’t mean I don’t enjoy them). I enjoy working hard for what I want,” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

Dagdag na saad pa ng aktres na tumutukoy na nga sa kanyang asawang si Richard ay;

Credits: Sarahlahbati | IG

“I’m speechless. besides being the best dada to Zion and Kai, you make me feel like a queen even when I least expect it.
“I’m grateful to you for a lot of things, for this insane surprise… but mostly for your unconditional love, through ups and downs. I love you.”

Samantala, bago pa man nga ang naging sorpresa na ito ni Richard sa misis niyang si Sarah Lahabati, ay nauna na nitong binigyan ng katuparan ang kahilingan ng aktres sa nais nitong maging ganap sa kanyang kaarawan kung saan nga ang gusto nito ay ang tila isang nakakarelaks na selebrasyon na masisilayan at mararamdaman ang “sunlight, nature and fresh air.”

Credits: Sarahlahbati | IG

Sa kaarawan ng kanyang misis na si Sarah, ay nag-organisa si Richard “off-roading, off-the-grid-trip” sa Bulog Campsite, sa Tanay, Rizal. Dito ay kasama nilang mag-asawa ang kanilang pamilya, at malalapit na kaibigan.

Matatandaan na noong ika-9 ng Oktubre, ipinagdiwang ni Sarah Lahbati ang kanyang ika-28 taong gulang na kaarawan, at espesyal na araw nga na ito sa kanyang buhay, ay ibinahagi niya ang naging kaganapan ng araw na iyon, kalakip ang pasasalamat sa kanyang asawa dahil sa naging pagbibigay sa kanya ng hindi malilimutang ‘experience’ sa kanyang kaarawan.

Credits: Sarahlahbati | IG

“What was meant to be a chill weekend turned into an adventurous, soulful and unforgettable trip. I long for us all to breathe fresh air, spend time in nature and to see the kids run around freely… you gave me everything I asked for and more.
“Thank you for always pushing me to try new things. for constantly pushing me out of my comfort zone in the best ways and for giving me the best experiences anyone could ask for.”

Ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay sampung taon ng magkarelasyon, ngunit isang taon pa lamang na mag-asawa dahil sila ay ikinasal noon lamang buwan ng Marso taong 2020. Sila ay nabiyayaan na ng dalawang anak na lalaki, na sina Zion at Kai.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *