Mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo, Ipinasilip Ang Blessing ng Kanilang Bagong Bahay Na Katas Ng Pag-oonline Selling

Tunay na kapag pinagsama ang sipag at tiyaga ay makakamit ang pangarap na inaasam. At hindi imposibleng makamit ang pangarap gaano man ito katayog.

Credits: Benj Manalo | IG

Ang mag-asawang sina Lovely Abella at Benj Manalo ay nagsisilbing inspirasyon sa marami lalo na sa mga tulad nilang online seller na nagsisikap para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Kitang-kita naman talaga ang kasipagan at pagtatiyaga ng mag-asawa sa pag-oonline selling.

Dahil nga dito, ay hindi naman na nakapagtataka na magbunga ang kanilang kasipagan kung saan nga ang kanilang mga pangarap na inaasam ay nabigyang katuparan.

Credits: Benj Manalo | IG

Isa na nga rito ang kanilang dream house na matagal na nilang pinapangarap para sa kanilang pamilya. At kamakailan lamang nga, ay nagpa-house blessing na sina Lovely at Benj sa bahay na bunga ng kanilang pagpupursige at kasipagan sa online selling.

Masayang ibinahagi ng mag-asawang Lovely at Benj ang kanilang labis na pasasalamat sa biyayang kanilang natanggap.

Credits: Benj Manalo | IG

“Still can’t believe it. Praise God for this wonderful blessing. Thank you Lord for using out family to share blessings to our loved ones, family, friends, and people around us.”

Binigyang-diin rin ni Lovely na tunay nga na kapag may tiyaga, ay may magandang bunga ang pagsisikap. At sa paggamit nila ng maayos at tama sa talentong ipinagkaloob sa kanila ng Panginoon, ngayon nga ay nakamit na nila ang inaasam na pangarap sa buhay.

Credits: Benj Manalo | IG

“Salamat sa napakagandang blessing sa aming mag-asawa, nagpapatunsy na kung may tiyaga may nilafq, nagpapatunay na lumaban tayo sa buhay, ginamit namin ng tama at maayos ang talentong binigay samin ni Lord,”saad ni Lovely.

Credits: Benj Manalo | IG

Hindi naman nakalimutan ng mag-asawa ang pasalamatan ang biyayang ito. At matapos nga ang house blessing, ay nagpalaro pa ang aktres sa kanilang mga kamag-anak kung saan ay nagpaagaw ng pera ang aktres. Makikita nga ibinahaging video ni Lovely sa Instagram na masayang-masaya ang bawat isa at naging abala sa pagkuha at pagkikipag-agawan ang mga taong dumalo sa house blessing sa perang ipinamahagi ng aktres.

“Walang kasing saya ‘pag game ang buong pamilya.”

Samantala, nilinaw naman ni Lovely na bago sila magsagawa ng house blessing, ay sumailalim silang lahat sa swab test at vaccinated na rin bilang pag-iingat at para na rin sa kapakanan ng kalusugan ng bawat isa.

Credits: Benj Manalo | IG

Matatandaan na ikinasal sina Lovely at Benj noong January 2021 kung saan kasama sa mga dumalo ay ang kanyang kaibigan na si Kathryn Bernardo na siyang nagregalo ng kanyang isinuot na wedding gown.

Unang sumikat si Lovely bilang dancer sa Wowowee at kalaunan nga ay pinasok na rin ang mundo ng showbiz bilang isang mahusay na aktres. Habang si Benj naman ay kilala bilang anak ng komedyanteng si Jose Manalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *