Love Story ni Kiray Celis at ng Gwapo Niyang Nobyo Paano Nga ba Nagsimula?

Batid ng marami sa atin ngayon kung gaano kaganda ay makulay ang buhay pag-ibig ng komedyanteng aktres na si Kiray Celis. Ngunit paano nga ba nagsimula ang kanilang love story?

Lingid sa kaalaman ng marami, bago pa man makilala ni Kiray ang kanyang nobyo ngayon, ay nagkaroon ng karelasyon noon si Kiray na tumagal ng halos tatlong taon, kung saan ito ay isang non-showbiz personality na kanya ring nakasosyo sa negosyo,

Samantala, ang nobyo ngayon ni Kiray na si Stephan Estopia ay nakilala niya dahil kaibigan ito ng kanyang kapatid. Ang kanilang landas na dalawa, ay nag-krus dahil sa usong laro ngayon na “Mobile Legends”, isang multi-layer online game.

Ayon kay Kiray eksaktong ika-27 ng Nobyemre taong 2019 ay naglalaro umano siya ng Mobile Legends, ito ay tila nga kanyang naging libangan dahil sa mga panahon na ito ay ‘single’ na siya at wala na siyang dyowa kaya naman talagang madami siyang time para makapaglaro.

Nagkataon naman ng mga panahon din na ‘yon ay naka-online si Stephan, at dahil sila nga ay magkakilala, nagkayayaan silang dalawa na maglaban sila. Dito na nga nagsimula na mas maging malapit sila sa isa’t isa.

Sa pagkakalapit nina Kiray at Stephan ay dito nila napag-alaman na pareho silang dalawa ng naging kasawian sa pag-ibig. Ayon kay Stephan, ang kanyang naging girlfriend ng halos tatlong taon ay nagkaroon ng iba. Dahil sa napag-alaman nga nila na pareho sila ng kinasapitan sa mga naging past relationship nila, ay mas lalo pa ngang naging magaan ang loob nila sa isa’t isa.

Dahil sa naging mabilis na pangyayari, ay hind inga napigilan ni Kiray nung una na makwestyon ang tunay na nararamdaman nila ni Stephan sa isa’t isa, lalo na’t isang buwan pa lamang halos ng maghiwalay si Kiray sa dating niyang nobyo.

Ngunit kalaunan nga ay napagtanto ni Kiray na talagang ‘mutual’ ang nararamdaman nila ni Stephan sa isa’t isa.

Samantala, ang mas kinabiliban ni Kiray kay Stephan, ay ang naging panliligaw nito sa kanyang mga magulang imbis na sa kanya, na hindi niya naranasan sa iba niyang mga naging karelasyon. Masaya naman sa Kiray, dahil tanggap siya ng pamilya ng kanyang nobyong si Stephan, at maging ang binata ay maluwag din na tinanggap ng kanyang pamilya.

Talaga namang ang ‘love story’ nina Kiray ay nakakakilig dahil sa hindi lang silang dalawa ni Stephan ang ‘involve’ kundi ang parehong pamilya nila, ay talaga namang tanggap ang kanilang relasyon.

Pagbabahagi nga ni Kiray, masarap sa pakiramdam kapag ang mahal mo ay mahal ng pamilya mo, at ganun rin ang pamilya niya sayo.

Makikita naman sa mga larawan nina Kiray at Stephan kung gaano sila ka-proud sa relasyon nila, at mababakas rin ang kasiyahan at pagmamahal nila sa piling ng isa’t isa. Ika-13 ng Disyembre taong 2019, ng isapubliko ni Kiray ang relasyon nila ni Stephan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *