Kilalanin ang Naggagandahang “Tres Marias Daughter” ni Dance Diva Regine Tolentino

Sa edad ba 42-taong gulang ay hindi pa rin matatawaran ang taglay na kagandahan at kaseksihan ng tinaguriang ‘Dance Diva’ sa mundo ng showbiz na si Regine Tolentino. Sa kabila rin ng pagiging isa ng ‘mommy of three’ ni Regine ay talaga namang kamangha-mangha pa rin ang kanyang taglay na kaseksihan.

Credits: Regine Tolentino | IG

Kamakailan nga lamang ng makapanayam si Regine sa Kapamilya show na “Magandang Buhay”, ay ipinakilala niya ang kanyang tatlong naggagandahang anak, na talaga namang kitang-kita na minana ng mga ito ang kanyang kagandahan.

Ibinahagi ng Dance Diva ng mundo ng showbiz, na ang pangalan ng kanyang tatlong anak, ay hango sa kanyang pangalan, kung saan ay pinagbali-baliktad lamang niya ito. Naikuwento rin niya sa panayam na ito sa kanya, ang kanyang buhay mommy ng dalawang dalaga niyang anak, at ang kanya ngang baby girl na bunsong anak.

Credits: Regine Tolentino | IG

“Si Reigne siya ‘yung panganay ko. She is 22. She’s graduate just this year from Ateneo. Business Management”, ang naging pagpapakilala nga ni Regine sa panganay niyang anak na dalaga.
Sunod nito, ay ipinakilala naman niya ang pangalawang anak niya na isa na ring dalaga, ito nga ay si Reigen.

“Si Reigen naman ay 20 years old and she’s 2nd year college sa MINT. She’s taking up Marketing”, ani Regine.

Credits: Regine Tolentino | IG

Ang dalawang dalagang anak ni Regine na sina Reigne at Reigen at anak niya sa kanyang dating asawa na si Lander Vera Perez.

Samantala, ang bunsong anak naman ni Regine na si Rosie Rignee na isinilang noong ika-17 ng Marso taong 2020 ay anak niya sa partner niya ngayon na isang Filipino Director at photographer na si Dondi Narciso.

Credits: Regine Tolentino | IG

Naibahagi naman ni Regine sa Magandang Buhay, na sa kabila ng malayong agwat ng kanyang dalawang anak na dalaga sa bunsong anak niyang si Rosie Rignee, ay sobrang responsable naman ng mga ito, at naasahan nga niya pagdating sa pag-aalaga sa kanilang bunsong kapatid.

Ayon kay Regine, kapag abala siya sa kanyang trabaho at negosypo, ay ang dalawang anak niyang sina Reigne at Reigen ang naasahan niya sa pag-aalaga kay baby Rosie Rignee. Iinagmamalaki rin niya, na nakakatuwang na rin niya sa negosyo ang dalawa niyang dalagang anak.

“Tulong-tulong kami! Sa business, sa bahay, sa pag-aalaga kay baby and we have just so much fun because… ayan, ganu’n din parang they just take on the responsibility of doing their part sa bahay, for the baby, for me”, pagbabahagi pa ni Regine.

Credits: Regine Tolentino | IG

Nang tanungin naman ang Dance Diva kung ano ang parenting style na ginagawa niya sa kanyang mga anak, ay sinabi niya na “reverse psychology” ang kanyang ginagawa kung saan ang sinasabi nga niya sa mga anak niya ang ang kabaliktaran ng normal na pangaral ng karamihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *