Joshua Garcia, Hindi Napigilan ang Kilig ng Malamang ‘Ultimate Crush’ Siya ng Napakaganda at Seksing Actress-Vlogger na Si Ivana Alawi

Pinapantasya at hinahangaan ng marami ang napakaganda at napakaseksing actress-vlogger na si Ivana Alawi. Kaya naman maituturing na napakaswerte ang lalaking iibigin niya, dahil hindi lang siya basta maganda, seksi at mahusay na artista, kundi ubod pang mapagmahal sa pamilya at matulungin sa kapwa.

Credits: Joshua Garcia | IG

Kamakailan nga lamang ng mabunyag sa publiko na ‘ultimate crush’ ni Ivana ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia. Ito nga ay ng maimbitahan ng kapatid ni Ivana na si Mona ang actor para magbigay ng mensahe sa actress-vlogger na nagdiriwang noon ng kanyang ika-2 taong anibersaryo sa YouTube.
Samantala, nito lamang nakaraan ay naka-chikahan ni Ogie Diaz sa kanyang vlog si Ivana, at dito ay naibahagi ng actress-vlogger na sa pamamagitan ng direct message sa Instagram ay kanyang nakakausap ang aktor.

Pahayag pa ni Ivana, kahit na hindi pa sila personal na nagkakakilala ni Joshua, ay nasasabi na niyang mabait ito, lalo pa’t ang aktor ay family-oriented din. Dagdag na saad pa niya, ay napaka-kyut ni Joshua kaya naman talagang hangang-hanga siya rito.
Inilahad din nga actress-vlogger, na “in the future” ay makatrabaho niya si Joshua sa isang proyekto.

Credits: Ivana Alawi | IG

Nito lamang namang ika-19 ng Oktubre sa ginanap na virtual mediacon ng TV series sa Viral Scandal ng ABS-CBN ay nakapanayam ng PEP ang aktor, kung saan ay dito na nakunan ng pahayag si Joshua sa reaksyon nito ukol sa naging ‘say’ sa kanya ni Ivana.
Hindi nga agad nakapagsalita ang aktor at napatakip pa nga ng mukha nung una, dahil tila nga nahihiya siya sapagkat nasa presscon siya kung saan ay kasama niya ang buong cast member ng seryeng kanyang kinabibilangan. Sa huli ay nagbigay na din siya ng kanyang reaksyon, habang napapangiti pa nga na tila kinikilig.

Credits: Joshua Garcia | IG

“Ako, pag may humanga sa akin, nakakadagdag ng confidence yun sa lalake, di ba?

Di ko alam ang reaction ko. Siyempre thank you kasi naa-appreciate yung work ko na ginagawa.

Base sa nakita ko at narinig ko, na-appreciate niya yata yung acting ko, thankful, sobrang thankful ako.
As an actor, maraming salamat”, ani Joshua.

Credits: Ivana Alawi | IG

Naibahagi rin ni Joshua, na maging siya ay nais na makilala pa ng lubusan, lalo na sa personal si Ivana, at maging kaibigan ito.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *