Jericho Rosales, Masayang Ibinahagi ang Tagumpay ng Kanyang “Project Sinulong” na Nakapagpatayo ng 20-Bahay Para sa mga Nawalan ng Tirahan Noong Bagyong Ulysses

Ang ating bansa ay madalas na daanan ng malalakas na bagyo, at ilan nga sa mga lugar sa atin ay kadalasang nakakararanas ng matitinding hagupit ng bagyo na nagiging sanhi ng hindi inaasahang kalamidad sa kanila kagaya na lamang ng pagkasira ng kanilang mga pananim, o ang iba pa nga ay nawawasak ang mga tirahan dahil sa matinding pagbaha.

Credits: Jericho Rosales | IG

Matatandaan na isa sa mga matinding bagyo na humagipit sa ating bansa ay ang bagyong Ulysses na talaga namang nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa ating bansa. Isa sa mga pinaka-naapektuhang lugar noon ay ang Marikina at Cagayan, na talaga namang ilang mga kababayan natin ang nasira ang tahanan dahil sa matinding bagsik ng nasabing bagyo.

Samantala, isa sa mga tumulong noon sa ilan nating mga kababayan na binaha dahil sa bagyo ay ang aktor na si Jericho Rosales at kanyang asawang si Kim Jones. Sa kabila nito, ay hindi pala natapos ng panahon na’yon ang pagtulong ng mag-asawa sa mga nasalanta ng bagyo.

Credits: Jericho Rosales | IG

Nito nga lamang nakaraan ay masayang ibinahagi ng aktor na si Jericho Rosales sa kanyang Instagram ang tagumpay ng kanyang “Project Salinong.” Mababasa sa post ng aktor, na napagtagumpayan nilang maipatayo ang dalawampung bahay, na para sa dalawampung pamilya na nasalanta ng bagyong Ulysses.

Credits: Jericho Rosales | IG

“It’s been almost a year since Typh00n Ulysses dev’astat’ed many parts of our country including Marikina and Cagayan. We’re happy to share that with the help of one of the best titas of Manila (@marinezelizalde) , our friends too many to mention, and you who donated to the cause. Ulysses Relief Fund were also able to help build 20 houses for 20 families to Project Salinong in Baggao, Cagayan” ang naging caption ni Jericho sa kanyang IG post.

Kalakip ng IG post na ito ni Jericho ay ang larawan kung saan ay makikita ang dalawpung bahay na malapit na ngang matapos, at nakalaan nga ito para sa mga 20-pamilyang labis na nasalanta ng bagyong Ulysses.

Credits: Jericho Rosales | IG

Ayon pa sa aktor, naging posible ang tagumpay ng proyekto niyang ito sa tulong mga donasyon ng kanyang mga malalapit na kaibigan, at maging ng mga taong may mabubuting puso at bukal sa loob ang pagtulong sa kanilang kapwa.

Credits: Jericho Rosales | IG

Makikita naman na ang mga bahay na ito na proyekto ng “Project Salinong” ni Jericho, ay hindi pangkaraniwang bahay lamang, sapagkat ito ay gawa na sa bato, katiyakan na hindi na ito madaling matitibag pa ng anumang unos.

Bumilib naman ang maraming netizens sa proyekto na ito ni Jericho, at hinahangaan rin nila ang abilidad nito na magbigay ng tulong sa kanyang kapwa.

Jericho Rosales tumulong sa mga taga Marikina | Star Patrol

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *