Sa pagkakaroon ng pandemya sa ating bansa, isa sa mga labis na naapektuhan nito ay ang mga personalidad na nagtatrabaho sa industriya ng showbiz. Ito ay dahil nga sa naging limitado ang galaw ng tao, ay may mga ilang proyekto o malalaking pelikula ang pansamantalang naantala at hindi muna itinuloy ng pamunuan ng iba’t ibang network ng telebisyon.
Credits: JC Santos | IG
Dahil nga sa pangyayaring ito, ay mayroong ilang mga artista, na ipinangamba kung magiging maayos pa ba ang takbo ng kanilang karera, sa kabila ng pandemyang nararanasan. At isa na nga sa mga ito ay ang aktor na si JC Santos.
Ayon sa naging paglalahad ng PEP.ph, muntik nang sumuko sa kanyang showbiz career si JC, ito ay dahil nga sa pandemic.
Batid nga naman natin, na noong nakaraang taon, dahil sa naging paglaganap ng pandemya, ay sumailalim ang ating bansa sa mahigpit na quarantine, at marami nga sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho, at ang iba naman ay nagsara ang mga negosyo.
Credits: JC Santos | IG
Samantala, nito nga lamang nakaraang ika-29 ng Marso taon ng kasalukuyan, ay nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at iba pang miyembro ng medya si JC, sa pamamagitan ng Zoom mediacon para sa kanyang bagong pelikula na pinamagatang ‘Dito at Doon’.
Dito nga ay ibinahagi ng aktor, na noon ay isa siya sa mga nag-alala kung makakapag-shooting pa ba ng pelikula o makakapag-taping pa para sa mga teleserye. Naisip niya rin umano ng mga panahong iyon, kung mayroon pa ba siyang magiging trabaho.
Credits: JC Santos | IG
“Challenging iyong idea na hindi ko alam kung makakapagtrabaho pa ako.
“Actually, iyon iyong pinakamahirap. Hindi ko alam kung kailan magkakatrabaho, at siyempre, nasanay ka na every month, may dumarating, alam mo iyon?’, ani ng aktor.
Mas lalo pa ngang nangamba si JC nang kasabay ng pandemya, ay bigla ring magsara ang network na kanyang kinabibilangan.
“Tapos biglang, uy, wala na!”
“Tapos nagsara yung network.”
“Tapos hindi mo alam kung ano’ng mangyayari bukas, ‘tapos lumala, iyong [COVID-19] cases.”
“So, that was really bad for me.”
Chika pa nga ng aktor, dahil din sa naging epekto ng pandemya sa industriyang kanyang kinabibilangan, ay muntik na siyang maging isang rider sa tunay na buhay.
Ikinuwento nga niya na kinausap niya na ang kanyang asawa ng mga panahong iyon, na papasukin nila ang online delivery food business kung saan ay ito ang magluluto, at siya ang magde-deliver. Sa katunayan, ay nagsimula na rin umano siyang mag-browse ng motor, na gagamitin niya sa sana sa pagiging rider.
Credits: JC Santos | IG
Hindi umano kasi talaga niya napigilan ang mag-worry lalo pa’t mayroon siyang pamilya. ngunit saad naman niya, isang araw lang naman na dumating sa kanya ang frustration niyang iyon.
Pagbabahagi pa ng aktor, tila nakabuti rin naman sa kanyang pagiging isang ama ang pandemya sa kabila ng nararanasang hirap, dahil sa panahon namang ito, ay mas nagkaroon siya ng oras at panahon na alagaan ang kanyang baby, noon ngang lockdown.
“Pero the part na I have a newborn and I’m taking care of her, so sobrang nagbago iyong mindset ‘tsaka yung emotional side ko.
“At iyon yung good side na nangyari sa akin nung lockdown nung 2020”, saad ni JC.
Mag-iisang taon at dalawang buwang gulang na ngayong buwan ng Abril ang baby girl ni JC at ng kanyang misis na si Shyleena Herrera, na si baby River Altheia.
I-chinika pa nga ng aktor, na kapag nanumbalik na ang lahat sa normal, at tapos na ang pandemyang kinakaharap natin ngayon, ay excited siya na mag-abroad kasama ang kanyang mag-ina. Lalo pa’t matagal na nilang plano ng kanyang misis ang mag-travel.
Credits: JC Santos | IG
“Matagal na kasi naming plano ng wife ko na lumabas ng bansa, iyon talaga iyong gusto namin, mag-travel. Lalo na ngayon, lagi lang nasa bahay iyong baby, so, gusto sana naming mag-travel pagkatapos ng lahat ng ito.
“Gusto ko pumunta kung saan-saan, oh, ma-explore man lang iyong mundo ulit.”, pagsasaad ni JC.
Sa ngayon nga ay mayroong bagong proyekto si JC Santos, at ito nga ay ang pelikulang ‘Dito at Doon’, kung saan ay makakasama nga niya ang bagong Kapamilya star na si Janine Gutierrez, na gaganap bilang Len Esguerra, isang fresh graduate sa kursong Political Science. Ang ina naman sa tunay na buhay ni Janine, na si Lotlot de Leon, ang siya ring gaganap na ina nito sa nasabing pelikula.
Ang pelikulang ‘Dito at Doon’, ay direksyon ni JP Habac, at ang streaming nga nito ay nagsimula na noong ika-31 ng Marso, araw ng Miyerkules sa limang major online platforms na KTX.ph, Cinema 76@Home, iWantTFC, Upstream at Ticket2Me.