Isang Rider, Umani ng Papuri sa mga Netizens Online Dahil sa Masigasig Na Paghahanapbuhay Habang Kasama at Binabantayan ang Kanyang Anak

Tunay ngang lahat ng sakripisyo ay kayang gawin ng mga magulang para sa kanilang, na ‘yung tipong kahit gaano kahirap ang kanilang trabaho, kung kinakailangan ng kanilang mga anak ang kanilang atensyon at apg-aaruga ay gagawan talaga nila ito ng paraan.
Halimbawa na nga lamang nito ay ang tinaguriang Dakilang Ama ngayon ng maraming netizens na si Hershey Manuel, na isang Food Panda Delivery rider.

Photo Credits to the Owner

Nito nga lamang nakaraan ay nag-trending online ang ga larawan ni Hershey Manuel, kung saan sa kanya ngang pagde-deliver ay kasama-kasama niya ang kanyang anak na baby pa lamang. Makikita sa larawan na habang nagtatrabaho nga ay nasa basket ng bisikleta ni Hershey ang kanyang napaka-kyut na baby.

Ang mga larawan ngang ito ni Hershey, ay ibinahagi ng netizens na si Jeremiel Flores Quinto na mula sa San Pedro, Laguna. Ayon din kay Jeremiel, ibinahagi din sa kanya ng rider na si Hershey Manuel, ang dahilan kung bakit kasa-kasama niya ang sanggol niyang anak kapag siya ay nagtatrabaho.
Ayon nga sa naging paglalahad ni Hershey, ang kanyang misis ay nagta-trabaho rin, at dahil sa nakikitira lamang sila sa bahay ng kanyang tiyuhin, ay mas madalas ngang isinasama niya na lamang sa trabaho ang kanyang sanggol na anak, lalo na nga kapag walang magbabantay dito.

Photo Credits to the owner

Bumuhos naman agad ang maraming papuri mula sa mga netizens para kay Hershey, at ang iba pa nga ay sinasabing isa siyang ‘Superdad’, dahil kahit hindi madali ang kanyang trabaho, ay nagawa niya pa rin na isama ang kanyang anak, para lamang masigurado na may magbabantay at alaga rito.

Nakakaproud ka Superdad! Isa kang bayani! You’re an inspiration and a Superhero. Praying for you and your baby.”

Photo Credits to the owner

“Kudos kuya and keep safe. Thank you foodpanda for allowing this kind of unconditional love at work bringing happiness and inspiration to everyone!”

“Keep safe kuya and your baby.. I salute you kuya as a good father to your baby… God bless you po at sa baby po.”

Isa sa mga bayani ngayong panahon ng pa’ndemy’a ay ang mga magigiting na food delivery riders, ito ay dahil napapagaan nila ang buhay ng mga taong patuloy na nanatili sa kanilang tahanan upang ingatan ang kalusugan ng kanilang buong pamilya.

Photo Credits to the owner

Ang mga magigiting nating riders kagaya ni Hershey Manuel, ay ang ma sumusuong sa kalsada umulan man o umaraw, ito ay para nga lamang maghatid ng serbisyo sa kanilang mga ‘customer’ at upang makapaghanapbuahy din ng marangal para matustusan ang pangangailan ng kanilang pamilya.

Sa panahon ngayon ay talaga namang tinangkilik ng marami ang mga delivery rider, at sila ay kinikilala bilang mga dakilang ama, na gagawin ang lahat para sa kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *