Gerald Anderson, Pinakilig ang Nobyang si Julia Baretto sa Isang “Sweet Dinner Date Set-Up By the Beach” Habang Sila ay Nasa Isla ng Boracay

Kabilang sa mga celebrity couple ngayon na sinusubaybayan ng publiko ay ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Baretto. Ang relasyon nilang dalawa ay naging bukas sa publiko nitong taong ito lamang, matapos ng matagal-tagal rin na pagkaka-link sa isa’t isa.

Credits: Gerald Anderson | IG

Samantala, kamakailan lamang ay nagbakasyon ang magkasintahang Julia at Gerald sa isla ng Boracay. At sa kani-kanilang Instagram account ay kanilang ibinahagi ang mga ‘sweet moments’ nilang dalawa habang nasa mala-paraisong isla sila.

Ang bakasyon nilang ito ay talaga namang nagpakita kung gaano nila na-miss ang isa’t isa, ito nga ay matapos nilang magkawalay ng ilang linggo dahil sa naging pagbabakasyon ni Gerald sa ibang bansa.

Credits: Gerald Anderson | IG

Kitang-kita sa mga larawan nila kung gaano nila in-enjoy ang nakakarelaks nilang bakasyon sa napakagandang isla, kung saan isa nga sa kanilang naging bonding moments ay ang pagtampisaw sa magandang beach ng Boracay.

Hindi naman pinalampas ni Gerald Anderson ang pagkakataon habang sila ay nasa isang magandang lugar, na mabigyan ng kasiyahan ang nobya niyang si Julia. Isang sorpresa ang kanyang inihanda para sa kasintahang aktres habang sila ay nasa Boracay, kung saan ito nga ay isang “sweet dinner date” na sinet-up sa may beach ng isla.

Credits: Gerald Anderson | IG

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng makasintahan kung gaano kaganda at karomantiko ang inihandang dinner date ni Gerald. Ang dinner set-up nga ay napapalibutan ng mga maningning na ilaw na tila mga bituin, at nasa may background pa nila ang kanilang mga larawang magkasintahan. May pa- bouquet of roses pa nga ang aktor para kay Julia na talaga namang nagbigay kilig sa aktres.

Ayon sa Fan page ng magkasintahan, ang aktor mismo ang nag-set up ng napaka-romantikong dinner date para sa nobya niyang si Julia. Sa mga panayam nga noon sa aktor, ay madalas nitong sabihin na ang perfect o ideal date para sa kanya, ay ang “date by the beach.”

Credits: Gerald Anderson | IG

Hindi nga lamang si Julia ang kinilig sa sopresang dinner date by the beach sa kanya ng nobyo niyang si Gerald, dahil maging ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta ay kinilig din para sa ‘sweet moments’ nilang dalawa.

Credits: Julia Barretto | IG

Agad namang bumuhos ang samu’t saring mga komento sa surprise dinner na ito ni Gerald para kay Julia, ang iba ay nagkomento kung paano sila kinilig at siyempre hindi rin naman nawala ang mga negatibong komento para sa magkasintahan.

Sa kabila naman nito, hindi naman alintana nina Julia at Gerald anuman ang maging komento ng mga netizens patungkol sa relasyon nilang dalawa. Dahil ang tanging mahalaga ay masaya sila sa isa’t isa at ine-enjoy nila ang bawat araw na sila ay magkasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *