“Di ba mayayaman lang ang nangangaliwa? Ngayon pati mga mahihirap, mga bungi, mga pangit’: Ruffa Gutierrez, May Prangkang Komento Tungkol Sa Mga Mister Na Nangangaliwa!’:

Hindi napigilan ng beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez ang magbigay ng diretsahang pahayag patungkol sa klase ng mga asawang nangangaliwa. Ang nakakatuwang pahayag ni Ruffa ay kinagiliwan ng mga netizens.

Credits: Ruffa Guttierresz | Photo

Kamakailan lamang, sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz na mapapanood sa Youtube channel nitong “Ogie Diaz Showbiz Updates” ay nakapanayam ang aktres na sina Janice de Belen at Ruffa Gutierrez. Sa ngayon ay abala ang magkaibigang aktres bilang hurado sa segment na “ReiNa ng Tahanan” ng noontime show na It’s Showtime. Kung saan ang mga kalahok ay mga ilaw ng tahanan na nagbabahagi ng kwento ng kanilang buhay bilang isang ina at asawa.

Matatandaan na minsang nag-viral ang isang contestant ng “ReiNanay” na kung saan ay naglabas ng hinaing patungkol sa naging komento rito ni Ruffa. Nagbigay ng pahayag at reaskyon si Ruffa tungkol sa nasabing isyu. Sa halip nga na pahabain pa ang isyu, ay nagpasya na lamang si Ruffa na balewalain ito, at intindihin na lamang ang kinakaharap nitong sitwasyon at pinagdadaanan bilang isang ina.

Matapos nga nito, ay nadako naman ang kanilang usapan patungkol sa mga magkarelasyon. Agad namang tinukso ni Ogie si Ruffa, at sinabi na matagal na raw na walang nagpapasaya sa buhay nito kung kaya’t panahon na para humanap ito ng makakatuwang sa buhay.

Credits: Lorin Guttierrez | Photo

Ngunit, sa halip nga ay ibinaling nito ang atensyon sa kanyang kaibigan na si Janice dahil tulad niya ay matagal na rin itong walang nakakasama sa buhay para magbigay ng saya at kulay. Ayon nga kay Ruffa, ay dapat hanapan na rin si Janice ng makakatuwang sa buhay.

Sa gitna ng kanilang masayang pag-uusap ay napag-usapan nila ang tungkol sa pangangaliwa ng mga mister. Sa pagiging hurado nila sa “ReiNanay” ay marami silang narinig na kwento ng mga nanay na niloko at nangaliwa ang mga mister. Kaya naman, ibinuko ni Janice si Ruffa sa naging reaksyon nito patungkol sa klase ng mga nangangaliwang asawa.

Credits: The Scoop| Photo

Hindi nga maiwasan ni Janice ang matawa habang nagkukwento. Dahil, ang naging reaksyon ni Ruffa, ay tila hindi makapaniwala na kahit nga raw mahihirap, bungi at pangit ay nagagawa pang mangaliwa sa kanilang mga asawa.

“Ruffa: “Sa ReiNanay ng Tahanan ang daming kabit!”

Janice: “‘Yung huli hindi niya (ni Ruffa) kinaya. Sabi niya, ‘Oh my God, Ate Janice! Kaya ayoko na mag-asawa, e. ‘Di ba mayayaman lang ang nangangaliwa? Ngayon pati mga mahihirap, mga bungi, mga pangit!’ Sinabi niya talaga!”

Ruffa: “‘Di ba? My God!”

Janice: “Sabi niya, ‘Yung isang guest nating tatay dito (sa ReiNanay), bungi siya, nangaliwa pa siya!”

Credits: Ruffa Guttierresz | Photo

Matapos nga maikwento ni Janice ang naging reaksyon ni Ruffa ay nasundan ito ng malakas nilang tawanan. Maging ang mga netizens nga ay natawa rin at talagang kinagiliwan ang naging pahayag ni Ruffa. At marami ang tila nakarelate sa naging komento ni Ruffa patungkol sa mga nangangaliwang asawa. Ang ilan nga ay nagsabing walang pinipiling pamumuhay, o hitsura ang pagloloko at pangangaliwa.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *