Swerte nga namang maituturing ang isang misis na mayroong mister na “good provider” ng pamilya, ngunit mas swerte at mas proud ang isang misis kung maliban sa pagiging isang good provider ng kanyang mister ay katuwang at maasahan niya rin ito pagdating sa mga gawaing bahay.
Credits: Kritine Hermosa Sotto | IG
Halimbawa na nga lamang nito ay ang aktres na si Kristine Hermosa, na nito lamang nakaraan ay ibinahagi sa kanyang social media kung gaano siya ka-proud sa mister niyang si Oyo Boy Sotto, dahil maliban sa pagiging responsible nito bilang isang padre de pamilya, ay talaga namang napakasipag din nito sa gawaing bahay.
Makikita sa Instagram account ni Kristine kamakailan lamang ay naging pagbabahagi niya kung gaano ka-hands on ang asawa niyang si Oyo sa paglilinis ng kanilang bahay. Ayon sa aktres, halos ilang araw ng naglilinis ng kanilang bahay ang asawa, kaya naman talagang proud na proud siya rito.
Credits: Kritine Hermosa Sotto | IG
“Ilanga raw na siya na-OOC sa kadumihan. Ilang araw na rin siyang linis ng linis”, ang naging saad ni Kristine sa kanyang IG post.
At dahil sa talagang napakasipag nga ng kanyang asawang si Oyo Boy sa paglilinis, ay umabot na ang ito hanggang sa kanilang bubong, at upang mas mabilis ang paglilinis nito sa bubong ay may trainee pa nga umano itong kasama.
Credits: Kritine Hermosa Sotto | IG
“At ayan nga, umabot na rin sa bubong, at may trainee pang kasama. “
“Very good kayo diyan! Super proud of my husband @sotto”, dagdag na pahayag pa ng aktres.
Credits: Kritine Hermosa Sotto | IG
Sa larawan ngang ibinahagi ni Kristine kung saan ay makikita na abala ang mister niyang si Oyo sa paglilinis, ay makikita rin na kasama nito sa ginagawa ang panganay nilang anak.
Ang unang larawan ay makikita ngang may hawak na paint brush at lagayan ng pintura si Oyo Boy, samantala sa kasunod na larawan naman ay naglilinis naman ito ng kanilan glass roof.
Kasama na rin naman ni Oyo sa huling larawan ang panganay nilang anak, kung saan ay makikita nga na abala sila sa paglalampaso ng sahig ng kanilang bahay.
Credits: Kritine Hermosa Sotto | IG
Bumuhos naman ang mga komento ng papuri at reaksyon sa post na ito ni Kristine. At marami nga sa mga nagbigay komento ay kanilang mga followers at mga kaibigan nila sa industriya ng showbiz.
Narito nga ang ilan sa mga mababasang komento sa post ni Kristine.
Credits: Kritine Hermosa Sotto | IG
“you are so blessed to have a masipag husband… sana all may masipag at caring na husband…”
“Good husband Good values Good Kids.”
“Wow! Ang sipag pala ni Oyo.”
“Oyo is proving to be an ideal husband and family man.”
Matatandaan na ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto ay ikinasal noong taong 2011, at hanggang ngayon ay masaya at matibay pa rin ang samahan nilang mag-asawa kapiling ang kanilang mga anak.