Bilang Pasasalamat sa Naging Sakripisyo ng Kanyang Ina, Maymay Entrata Binilhan ng Bahay sa Japan ang Ina na Nagtatrabaho sa Nasabing Bansa

Magmula ng tanghaling big winner ng Pinoy Big Brother Lucky 7 si Maymay Entrata ay marami ng oportunidad ang nagbukas ng pintuan sa kanya. At isa na nga rito ay ang mapasok niya ang industriya ng showbiz, kung saan ay mas lalo pa nga niyang ipinamalas sa lahat ang husay at talento na mayroon siya.

Credits: Maymay Entrata | IG

Sa ngayon nga ay halos mahigit ilang taon na rin sa industriya ng showbiz si Maymay na nag-aartista, at sa ilang taon nga niyang ito na pagpupursige sa trabaho niya bilang isang aktres ay nakapagpundar na siya ng mga ari-arian na hindi lang para sa kanya kundi para rin sa kanyang pamilya.

Ayon kay Maymay isa sa mga pinakamalaki at mahalaga na naipundar niya sa limang taon niya sa industriya ng showbiz, ay ang bahay sa bansang Japan na kanyang naibili, na para nga sa kanyang ina.
Para sa kaalaman ng lahat, ang ina ni Maymay ay matagal ng nagtatrabaho sa bansang Japan, kaya naman naging sorpresa nga ni Maymay sa kanyang ina ang bahay na kanyang binili sa naturang bansa para rito.

Credits: Maymay Entrata | IG

Kamakailan nga lamang ay inihayag ni Maymay kung gaano siyang nasiyahan na ngayon na mayroon siyang magandang karera sa mundo ng showbiz, ay hindi nga lamang ang kanyang buhay ang nabago niya, kundi maging buhay ng kanyang ina na matagal na panahon ngang nagsakripisyo na mawalay sa kanila para magtrabaho sa ibang bansa.

Credits: Maymay Entrata | IG

Pagbabahagi pa ni Maymay, lahat ng mga biyayang natatanggap niya ngayon ay ipinagpapasalamat niya rin sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya. Kaya naman bawat ‘journey’ niya sa kanyang buhay ay ibinabahagi nga niya sa kanyang mga tagasuporta at tagahanga.

“Gusto ko lang magpasalamat nang sobra-sobra dahil sa pagmamahal at genuine na support n’yo po sa akin since day 1 po. Maraming salamat dahil kahit anong nangyari ay nararamdaman ko na karamay ko kayo dahil tayo nga po ay Kapamilya.”
“Lagi kong iti-treasure ‘yon talaga saan man ako mapunta. Itong napaka-espesyal na journey na ito ay hindi ako magsasawang i-share siya sa mga tao at sa mga nagsisimulang nangangarap na katulad ko. Maraming salamat.”

Credits: Maymay Entrata | IG

Nang ibahagi ni Maymay sa lahat ang nabili niyang bahay sa Japan na handog niya sa kanyang ina, ay sinabi nga niya na ito ay isa sa mga sukli niya sa kanyang ina, para sa lahat ng naging sakripisyo nito noong mawalay nga ito sa kanya.
Dagdag pa ng aktres, habang siya ay nagkakaedad ay mas lalo niyang naiintindihan kung bakit kinailangan ng kanyang ina ang mawalay sa kanya nung mga panahon nga na kinakailangan niya ito.

Credits: Maymay Entrata | IG

“Isa ‘yon sa sukli ko sa mga sakripisyo na ibinibigay niya sa akin simula noong nawalay siya sa akin. Napakalaki kasing sakripisyo ang mawalay ka sa anak mo,” kwento ng dalaga.
“Habang tumatanda ako, lalo kong naiintindihan bakit niya nagawa ‘yon, bakit siya malayo sa akin kahit kailangan ko siya, para lang lang din maibigay ang pangangailangan ko sa araw-araw.”
“Masayang-masaya ako na parang ito ang oras ko para maibalik ko ang sakripisyo na ibinigay niya para sa akin,” lahad pa ni Maymay.

Maymay shares about her investments | Magandang Buhay

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *