Albie Casiňo, Bakas ang Pagkakaroon Pa Rin ng Hinanakit sa Dating Nobyang si Andi Eigenmann

Tila nga hanggang ngayon ay may hinanakit pa rin si Albie Casiňo sa dating kasintahan niyang si Andi Eigenmann. Ito nga ay matapos na magbitaw ng maanghang na salita ng aktor laban kay Andi, nito lamang nakaraang siya ay makapanayam sa Kumulitan livestream ng Pinoy Big Brother Kommunity Season 10.

Credits: Albie Casiňo | IG

Matatandaan na noon ay naantala ang naging pagsikat ni Albie bilang isang teen star, ito nga ay matapos niyang ulanin ng pambabatikos, sampung taon na nga halos ang nakararaan.

Ang naging dahilan nga ng naging pambabatikos sa kanya ay ang naging pagkakadawit niya sa ‘unplanned’ pregnancy ng kanyang girlfriend noon na si Andi. Siya ang pinagbintangan ng publiko na di umanoy ama ng dinadala ni Andi, ngunit kalaunan nga ay napatunayan naman na hindi siya ang ama ng naging anak nito.

Photo Credits to the Owner

Samantala, nito nga lamang nakaraan sa kanyang huling Kumo stream bago ang naging pagpasok niya sa PBB house, ay kanya ngang sinagot ang katanungan ng kanyang fan patungkol nga sa naging isyu nila noon ng dating kasintahan.

Paglalahad nga ni Albie, sa pagkakataon na ito ay hindi na niya pagtatakpan pa ang dating nobya. Narito nga ang kanyang naging pahayag.

Photo Credits to the Owner

“I don’t care dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she move on. So, right, I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask”, ani Albie.

Dagdag pa niya, “I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore.”

Ayon pa nga kay Albie, sa kabila ng naging pagkakadawit niya noon sa kontrobersiyal na pagbubuntis ni Andi, ay hindi man lang siya nakatanggap ng ‘sorry’ mula sa aktres. Saad pa niya, ang nais niya sana ay ang mag-public apology sa kanya ang dating kasintahan, lalo na nga’t siya ang kinondena noon ng mga netizens.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Ngunit ayon naman miso kay Albie, hindi na rin siya umaasa na gagawin ni Andi ang paghingi ng sorry sa kanya, dahil tila nga hindi naman ito gagawin ng dating nobya.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Si Andi Eigenmann ay kasalukuyan na nga ngayong naninirahan sa isla ng Siargao kasama ang kanyang binuong pamilya. At patungkol naman sa kontrobesyal na pagbubuntis nito noon na pinagdawitan ng pangalan ni Albie ay matatandaan na ang lumabas ngang ama ng kanyang pinagbubuntis ay ang aktor na si Jake Ejercito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *