Aktres na Si Loisa Andalio, Bilang Isang Breadwinner ng Pamilya Aminadong Naging Mahirap sa Kanya ng Mawalan Siya ng Proyekto

Sa naging paglaganap ng pandemya sa ating bansa ay kabilang nga ang industriya ng showbiz sa labis na naapektuhan. Marami sa mga artista ang nawalan o hindi na nakatanggap ng proyekto, dahilan upang makaranas din sila ng kahirapan ngayon panahon nga ng krisis dahil sa pandemya.

Photo Credits to the Owner

Isa sa mga aktres na nawalan ng proyekto sa showbiz sa panahon ng pandemya ay ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio, at bilang isang breadwinner ng kanyang pamilya, aminado si Loisa na talagang nahirapan siya.

Kamakailan nga lamang ay naging ‘guest’ sa programang “Magandang Buhay” si Loisa, at dito ay hindi niya napigilang maging emosyonal ng kanyang ilahad ang hirap ng mawalan siya ng trabaho, lalo na nga’t breadwinner siya ng kanyang pamilya.

Ayon nga sa aktres, ngayong wala pa rin siyang regular na trabaho sa ABS-CBN, hangga’t maari ay ayaw niyang ipakita sa kanyang mga magulang at kapatid ang takot at pag-aalala na kanyang nararamdaan.

“Pinaka-challenge talaga yung walang work. Bilang breadwinner, di ba, mahirap. Ikaw yung inaasahan ng family mo” paglalahad ni Loisa.

Photo Credits to the Owner

Dagdag pa niya, “Kasi, kumbaga ikaw yung may pinaka-okay na trabaho noon, e. tapos biglang wala…

“Tapos sila (mga kapatid) din naman, yung sinusuweldo ng mga kuya ko, tama lang naman sa mga anak nila din. So, mahirap, sobrang hirap.

Photo Credits to the Owner

Pag-amin nga ng aktres, talagang bilang isang breadwinner ay nahirapan siya ng mawalan siya ng trabaho sa showbiz, lalo na’t alam niya na ang mga kuya niya, ay sapat lang din ang kinikita para sa sariling mga pamilya nito.

Ibinahagi naman ni Loisa, na ang napaghihingahan niya lang ng mga panahon na ito ay tanging ang boyfriend niyang si Ronnie. Sila umano ng nobyo ay napag-uusapan pareho ang kanyang sitwasyon.

“Napag-usapan namin yung sitwasyon. Yung parang, ‘Hindi talaga natin alam, ‘no? Hirap. Mahirap din kasi sa family, kumbaga, kami yyung parang strength, edukasyon, pagkain, lahat.”

Photo Credits to the Owner

Saad pa ni Loisa, kahit hirap siya, ay ayaw niyang mag-alala ang kanyang pamilya, o matakot ang mga it, at dito na nga tuluyang naging emosyonal ang aktres.

Sa kabila naman ng kanyang pinagdaanan, ay inisip na lamang ni Loisa na kung iisipin nga naman ay maswerte pa rin siya sa iba, dahil siya at ang kanyang pamilya ay ay bahay na tinitirhan at nakakain pa rin ng masarap na pagkain tatlong beses isang araw, kumpara sa mga taong tunay na hirap sa buhay at wala na nga halos makain sa araw-araw.

Photo Credits to the Owner

“Ako nga, may bahay ako, nakakakain naman kami. Paano kaya yung isang kahig isang tuka na mga tao?

“Kaya hindi ko na din iniisip yung sarili namin. Kumbaga. Mas thank you na lang talaga kasi healthy yung family, walang may sakit.”

Ibinahagi naman ng aktres na sa lahat ng pinagdaaanan niya ay patuloy lamang siyang kumakapit sa kanyang pananampalataya, na darating din ang araw na magiging maayos na ang lahat. Ang tanging iniisip na lamang nga niya ngayon ay ang patuloy na maging malusog ang buo niyang pamilya, lalo na ngayong lumalaganap ang pandemya.

Photo Credits to the Owner

Malaki din ang pasasalamat ng aktres na kahit papaano ay may naipon siya, na nagagamit nila ngayong panahon ng krisis ng kanyang pamilya.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *