Aktor na Sina JM de Guzman at Ejay Falcon, Nakatanggap ng Special Awards Mula sa Philippine Air Force

Hindi nga lamang basta sa kagwapuhan at kahusayan may ibubuga ang mga Kapamilya actor kagaya nina JM de Guzman at Ejay Falcon. Dahil maging ang ginagawa nilang paglilingkod sa ating bansa bilang parte ng Air Force ay hahangaan din.

Nito nga lamang araw ng Huwebes, ika-30 ng Setyembre ay proud na ibinahagi ng aktor na si JM de Guzman sa kanyang social media account ang kanyang natanggap na ‘plaque’ mula sa Philippine Air Force. Ang plaque na ito ay nagsisilbing pagkilala sa naging paglahok niya at pagiging aktibo sa iba’t ibang PAF relief operations.

Nakasaad rin sa nilalaman ng parehong plaque na ipinakita ni JM sa kanyang post, ang PAR Reservist Program kung saan ay sinasabi nga rito kung gaano naging aktibo at positibo si JM bilang isang miyembro ng PAF, “created a positive impact in our society that immensely contributed to the overall accomplishment.”

Credits: Ejay Falcon | IG

Bilang pasasalamat naman ni JM sa natanggap niyang pagkilala sa kanya ng PAF, ay maikli ngunit nakakaantig naman na mensahe ang nilakip ng aktor sa pagbahagi niya ng larawan ng kanyang plaque.

Credits: Jm Deguzman | IG

“All Glory to God”, ang caption ni JM sa kanyang social media post.

Sa kabilang banda, maging ang aktor na si Ejay Falcon ay nakatanggap rin ng kanyang “recognition” sa PAF, ito ay dahil din sa kanyang naging partisipasyon sa mga aktibidad nito, kagaya na lamang ng COVID-19 related activities” na tumulong sa “overall accomplishment of the Philippine Air Force.”

Credits: Jm Deguzman | IG

Matatandaan na ang aktor na si JM de Guzman ay naging PAF reservist-sergeant noon pang buwan ng Nobyembre nung nakaraang taon, ito ay ng kanya ngang natapos ang BasicCitizen Military Training.
Mas nauna namang naging reservist ng Philippine Air Force ang aktor na si Ejay Falcon, dahil taong 2019 pa nito natapos ang 30-day Basic Citizen Military Training.

Credits: Ejay Falcon | IG

Makikita naman sa dalawang gwapong aktor na ito ng Kapamilya network kung gaano sila nagagalak dahil sa rekognasyon na kanilang nakamit sa pagiging aktibo nilang reservist ng Philippine Air Force. At panigurado, na sa kabila ng pagiging mga sikat nila bilang mga mga aktor sa industriya ng showbiz ay mas lalo pang pagbubutihin ng dalawa ang pagbibigay serbisyo sa ating bansa, bilang mga reservist ng PAF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *