Aktor na Si James Reid, Pinabilib ang Marami sa Husay Niyang Umarte sa Music Video na “Para sa mga Ex”

Noon pa man ay hinahangaan na ng marami ang aktor na si James Reid, maliban kasi sa kanyang kahanga-hangang kagwapuhan, ay nakakabilib din ang kanyang talento sa pag-awit at pag-arte.

Matagal-tagal na rin nga nating hindi nasisilayan sa isang serye o pelikula ang aktor, kaya naman marami na ang nakaka-miss sa kanyang husay sa pag-arte, lalo na nga sa pagbibigay kilig sa maraming mga manonood.

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay muling ipinamalas ni James ang kanyang husay sa pag-arte, sa isa ngang music video na may titulong ‘Para sa mga Ex.”

Sa nasabing video ng awitin ni Zack Tabudlo ay ginampanan nga ni James ang karakter ng isang binatang brokenhearted. Patungkol sa pinagdadaanan ng isang taong nabigo sa pag-ibig ang kantang ito, kung saan nga ang binata ay dumaan sa ‘break up’, kaya naman nagawa nito ang uminom, malugmok at magwala dahil sa sobrang sakit ng puso na kanyang nadarama.

Kahit nga walang dialogue ang naturang music video, ay makikita pa rin nga sa limang minutong video na ito, kung gaano kahusay umarte ang aktor na si James Reid. Sapagka’t kahit nga hindi siya nagsasalita rito, ay damang-dama ng mga nakanoond ng music video, ang sakit na pinagdaanan ng karakter na ginamapanan ni James.

Agad ngang bumuhos ang mga papuri para sa aktor, at siyempre karamihan sa mga nagbigay komento ng papuri sa kanya, ay ang mga n”Jadine” Fans, o mga tagahanga nga ng tambalan nila noon ng dating nobya niyang si Nadine Lustre.

Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“That long pause when he say, “okay lang ako.” my Jadine heart is br3aking.”

“Bilang Jadine fan, mahirap parin tanggapin na they’re already over na talaga. Nakakaiyak ang acting skills mo James, may pinaghuhugutan eh.”

“Grabe yung emotions ni James parang totoo!”

“His acting skills are still the same, it’s still dope! Tagos yung pag-iyak mo James!!!”

“I miss James Reid’s acting. I hope he gets back into acting soon.”

Sa kabilang banda naman, mababasa sa IG post ni Zack Tabudlo ang kanyang pasasalamat para sa aktor na si James Reid, dahil sa pagiging matagumpay na ‘collaboration’ nilang dalawa.

“So much emotion in a music video, thank you so much for doing this after 2 years of taking a break wt acting brother. you can really see the difference of real actors and how they can portray character in such a passionate and unique way”, saad ng ani Zack sa kanyang IG post.

Pinatunayan naman ni James sa music video niyang ito na ang kanyang talento bilang isang mahusay na aktor ay hindi pa rin nawawala sa kanya.

Hiling naman ng marami niyang mga tagahanga, ay ang magbalik na ang aktor sa pag-arte, at mapanood na nga itong muli sa mga teleserye at pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *