Unkabogable Star na si Vice Ganda, Ibinunyag na sa Kanyang Mga Fans ang Tunay na Hitsura ng Kanyang Buhok

Ang ating buhok ay itinuturing nating “crowning glory”, kaya naman matinding pag-iingat at pag-aalaga ang ating ginagawa sa ating mga buhok. Madalas naman nating masilayan ang maganda, at iba’t ibang kulay at style ng buhok ni Vice sa kanyang mga shows.

Credits: Vice Ganda | YT

Ngunit, ang Unkabogable star na si Vice, kailanman ay hindi pa niya nagawang ipakita sa publiko ang tunay na hitsura ng kanyang buhok na nakatago sa likod ng kanyang makukulay na wig.

Marami sa kanyang mga tagahanga ang nais masilayan ang tunay na hitsura ng kanyang buhok. Kaya naman, sa kanyang latest vlog kung saan ay bumisita siya sa salon na pagmamay-ari ng kanyang anak-anakan na si Ryan Bang, ay buong tapang na ipinakita ni Vice ang tunay na hitsura ng kanyang buhok matapos magkaroon ng hair makeover.

Credits: Vice Ganda | YT

Sa kanyang latest vlog ay ipinasilip ni Vice ang kanyang pagbisita sa MoriduArt salon, para suportahan ang ipinatayong business ni Ryan Bang. Ang nasabing salon ay sarado pero binuksan lamang para ishoot ang kanyang hair makeover vlog.

Espesyal naman ang hair makeover na ito ni Vice dahil mula pang Korea ang gagawa ng kanyang scalp treatment. Makikitang bago simulan ang proseso ay tinanggal muna ni Vice ang kanyang turban. Lumantad nga ang tunay na hitsura ng kanyang buhok na kung saan ay makikita na medyo manipis na ito, at may pagka-dry na rin. Unti-unti na ring nakakalbo ang harapang bahagi ng kanyang ulo, dahil umano sa paglalagay niya ng wig. Medyo may kahabaan na rin ang buhok ni Vice at ang ginagawa ng komedyante ay tinatali ito para maisuot ang kanyang mga wig.

Credits: Vice Ganda | YT

Pagbabahagi naman ni Vice ay naging insecure siya dahil sa kanyang buhok. Kasi hindi tulad ng iba, ang kanyang buhok raw ay hindi kagandahan ngunit, unti-unti na rin niya itong natanggap. Makikita naman na masaya at naeenjoy ni Vice ang pagmamasahe sa kanyang ulo na bahagi ng scap treatment para muling tumubo ang kanyang mga buhok at manumbalik ito sa dati. Ayon naman kay Ryan, ay aabutin ng 8 weeks bago tuluyang makita ang resulta ng ginawang treatment kay Vice.

Kasabay rin ng scalp treatment ang pagpapalagay ng nail art ni Vice, kung saan nga ang gagawa ng disenyo ng kanyang mga kuko ay sikat na nail artist ng mga celebrities sa showbiz.

Credits: Vice Ganda | YT

Inulan naman ng komento at pagsuporta mula sa kanyang mga tagahanga si Vice matapos mapanood ang kanyang hair makeover vlog.

“It’s not your scalp It’s not your hairline. It’s your heart.”

“Your still beautiful meme, it’s not about the physical appearance it’s all about your beautiful soul”

“It’s ok what ever u look outside of u the important is how u are inside as a person, and u are a person with a big heart to love n help other people , thats what matters, we love u vice”

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *