Tingnan Aktres na Si Ysabel Ortega, Ibinahagi ang Naging Matagumpay Niyang Pagtatapos sa Kolehiyo

Si Maria Ysabel O. Lapid o mas kilala ng publiko bilang ang aktres na si Ysabel Ortega ay nakapagtapos ng kursong Bachelors of Arts in Political Economy sa University of Asia and the Pacific noon lamang nakaraang buwan ng Agosto. At sa kanya ngang naging pagtatapos ay labis na kasiyahan ang nadarama ni Ysabel, dahil ayon nga sa kanya ay hindi naging madali ang pagtupad niya sa pangarap niyang magtapos ng kolehiyo lalo na’t kasabay nito ay ang kanyang pagtatrabaho bilang artista.

Credits: Ysabel Ortega Lapid | IG

Sa kanyang Instagram account ay masaya at proud na ibinahagi ni Ysabel ang isa sa mga itinuturing niyang pinakamasayang pangyayari sa kanyang buhay at ito nga ay ang matagumpay niyang pagtupad ng kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

“For the past four years, I have poured my heart, my tears and my time into completing my bachelor’s degree, and I can’t believe that I made it to finish line”, ang naging unang pahayag ni Ysabel sa kanyang social media post.

Credits: Ysabel Ortega Lapid | IG

Ayon kay Ysabel talaga namang hindi siya makapaniwala na ngayon ay nakamit na niya ang diplomang kanyang pinapangarap, lalo na nga’t ang naging daan niya sa pagtupad nito ay hindi madali sapagkat naranasan niya na mapagod at umiyak ngunit magkaganonman ay hindi niya naisip ang sumuko.

“I remember keeping myself awake and sane in class using cans of energy drinks and coffee, along with matching nerv0us breakdown whenever I have to leave exams early just to make it to work on time, vice versa”, ani pa ni Ysabel.

Dagdag pa ng aktres, talaga namang hindi naging madali ang journey niya sa pagtatapos ng kolehiyo, dahil pinagsabay niya ang pag-aaral at ang kanyang trabaho. Sa kabila nito, ay masaya siya na lahat ng kanyang naging pagsusumikap ay nagkaroon ng magandang resulta.

Credits: Ysabel Ortega Lapid | IG

Naibahagi rin niya na noon ay may mga hindi naniwala sa kakayahan niya, ngunit ngayon nga siya’y nakapagtapos na ay napatunayan niya na mali ang mga ito dahil nakaya niya.

“There were who thought I wouldn’t be able to do both, and there were time in where I was close to believing them, but I didn’t want to give up on my dreams. Now, here I am with proof that if you put your heart into whatever you wish to achieve, you can make it happen.”

Pinasalamatan din ni Ysabel ang lahat ng mga taong sumuporta sa kanya sa journey niyang ito, at pinakauna na nga sa mga ito ay ang kanyang mga magulang.

Credits: Ysabel Ortega Lapid | IG

“Thank you to my parents, for pushing me and always being my rock. To my block mates and the friend I had made throughout my stay in UA&P, you are a part of why I will always treasure my college days. To my professors, thank you for believing in me. I may not be getting my graduation march, but I’m still as grateful and as proud of what I have accomplished. This is all for you.”

Ngayon nga na may diploma na, ay batid ni Ysabel na mas marami pang mga magagandang pangyayari ang darating sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *