Sulyapan ang Masayang Pamilya ng Mag-Asawang Gladys Ryes at Christopher Roxas

Nito lamang nakaraang weekend ay isang family photo ang ibinahagibng aktres na si Gladys Reyes sa kanyang Instagram account. Makikita sa larawan ang masayang pamilya ng mag-asawa. Kita din na silang naim na miyembro ng pamilya ay pareho-pareho ng disenyo ng kasuotan.

Credits: Gladys Reyes | IG

“Have a stress-free weekend with your family and loved ones”, ang naging caption ng aktres sa kanyang ibinahaging family photo.
“@twilohph for our matching clothes”, ang naging dagdag na saad pa ni Gladys.

Sa mensahe nga ng aktres ay mababakas na talagang stress-free sia lalo na at nakikita niya laging buo at masaya ang kanyang pamilya.
Makikita rin nga sa mensahe niya ang kanyang pasasalamat sa clothing company na may gawa ng kanilang naging kasuotang mag-anak, kung saan ngabay terno silang lahat.

“Matchy OOTD” naman talaga ang nababagay na hashtag sa larawan na ito ng pamilya dahil nga sa kanilang “matvhy matchy” ourfit.

Credits: Gladys Reyes | IG

Sa kabila nga ng pananatili nilang mag-anak sa loob ng tahanan dahil sa ipinapatupad ngayon na quarantine period ay patuloy pa ring nagiging aktibo ang mag-asawang Gladys at Christopher pati na ang kanilang mga anak kung saan silang mag-anak ay nagkakaroon ng quality time sa loob ng kanilang bahay.

Ang mag-amang Christopher at Christoph ay naging bonding moments ang pag-work out at pagte-train ng boksing habang nasa loob ng kanilang tahanan, samantala si Gladys naman at ang kanyang tatlong anak na babae ay dance workouts naman ang pinagkakasunduang gawin.

Credits: Gladys Reyes | IG

Parehong kilala sa industriya ng showbiz ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas. Maliban pa sa pagiging aktibo pa rin nila sa kani-kanilang karera bilang mga artista ay abala rin ang mag-asawa sa naipundar nilang negosyo at ito nga ay ang kanilang restaurant. Nag-ooffer din ang kanilang restaurant ng catering service kaya naman talagang masasabi na maunlad nag buhay ng pamilya nila.

Ayon din sa ilang ulat, abala din ngayon si Gladys sa kanyang online acting class kung saan ay naibabahagi niya ang kanyang mga natutunan bilang aktres sa mga estudyante niya na nagnanais din matutunan ang pag-arte.

Credits: Gladys Reyes | IG

Tunay namang napakaganda pagmasdan ng pamilya nina Gladys at Christopher at makikita nga na ito’y punong puno ng pagmamahalna at pagkakaisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *