Sulyapan ang Masayang Pagdiriwang ng Unang Taong Kaarawan ng Panganay na Anak Nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na Si Baby Joaquin

Isa lamang ang anak ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz na si Baby Joaquin sa mga sanggol na isilang ng panahon ng pandemya noong nakaraang taon 2020. At sa mabilis na paglipas ng araw at buwan, ngayon ngang buwan ng Setyembre ay ipinagdiwang na ni Baby Joaquin ang kanyang unang taong kaarawan.

Credits: Dianne Medina | IG

Kung noon ngang nakaraang taon ay inabangan ng lahat ang mga new born photo ng mga celebrity baby na isinilang sa panahon ng pandemya, katulad ni baby Joaquin, ngayon naman ay masasaksihan na natin ang pagdiriwang nila ng kanilang unang taong kaarawan kasama at kung gaano na nga sila ka-cute ngayon.

Tunay namang napakabilis ng panahon, dahil ang munting sanggol ng mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz na si baby Joaquin ay ipinagdiwang na nga ang kanyang unang taong kaarawan nito lamang buwan ng Setyembre.

Credits: Dianne Medina | IG

Sa kabila ng mga protocols na ipinapatupad ngayon ng ating pamahalaan, ay sinigurado naman ng celebrity couple na sina Dianne at Rodjun na mabibigyan pa rin nila ng espesyal at magandang pagdiriwang ng kaarawan ang kanilang baby boy. Ipinasilip nga nila sa kanilang social media account ang naging kaganapan sa kaarawan ng kanilang anak, na ginanap nga sa loob ng kanilang tahanan.

Credits: Dianne Medina | IG

Isang indoor Safari-themed party ang naging selebrasyon ng 1st birthday ni baby Joaquin, at makikita nga sa mga larawan na ibinahagi nina Dianne at Rodjun na maging angk kanilang naging outfit ay ibinagay nila sa tema ng kaarawan ng kanilang anak, kung saan sila nga ay nakasuot ng “safari guide” khaki hats at uniforms.

Limitado lamang ang naging bisita sa kaarawan ni baby Joaquin, ito nga ay dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Ngunit sa kanbila nito, ay kitang-kita naman na hindi nilimitahan ng mag-asawa ang mga bagay na maaring makapagbigay ng kasiyahan sa kanilang anak sa araw ng kaarawan nito.

Kitang-kita naman sa mga larawan na ibinihagi ni Dianne sa kanyang Instagram account kung gaano naging magarbo ang kaarawan ng kanyang anak, dahil sa talagang napaka-bongga ng dekorasyon na ginawa sa loob ng kanilang tahanan sa kabila ng wala naman silang masyadong bisita at halos mga kapamilya nga lamang nila.

Credits: Dianne Medina | IG

Naging kapansin-pansin naman ang 5-tier cake ni baby Joaquin para sa kanyang first birthday na may tema ring Safari, kung saan ilan ngang mga wild-animals ang dekorasyon ng cake, kagaya na lamang ng giraffe, zebra at lion.

“Joaquin’s Safari Themed First Birthday [red heart emoji]” ang naging caption ni Dianne sa mga larawan na kanyang ibinahagi.

Sa ibang mga larawan naman ay makikita ang family photo nilang magpamilya, at kung gaano ka-kyut si baby Joaquin sa kanyang Safari guide outfit. Bumuhos naman ang maraming pagbati para sa kaarawan ni baby Joaquin.

Credits: Dianne Medina | IG

Si baby Joaquin o Rodolfo Joaquin Diego Illustre III ay ipinanganak noong ika-10 ng Setyembre noong taong 2020. Ang kanyang mga magulang na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ay ikinasal noong buwan ng Disyembre taong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *