Sulyapan ang Buhay sa Ibang Bansa ng Dating Aktor na Si AJ Dee Matapos Niyang Iwan ang Pag-Aartista

Ang aktor na si Enchong Dee ay isa sa mga leadingman at aktor sa showbiz na talaga namang nagbibigay kilig sa maraming mga manonood dahil sa kanyang angking karisma at kagwapuhan. Ngunit sa pamilya nina Enchong ay hindi nga lamang siya ang pumasok sa mundo ng showbiz, dahil noon ang kanyang nakatatandaang kapatid na lalaki ay sumabak rin sa pag-aartista.

Credits: Aj Dee | Instagram

Si AJ Dee ang nakatatandang kapatid ng aktor na si Enchong Dee, na minsan na ring pumasok sa mundo ng showbiz. Natatandaan niyo pa ba siya?

Kung natatandaan niyo pa si AJ Dee, ay isa siya sa mga hinahangaan sa kagwapuhan na aktor noon, lalo na ng maraming kababaihan.

Ang kanyang kagwapuhan at angking talento bilang isang aktor ay ipinamalas niya sa mga proyekto na kanyang kinabilangan noong nasa showbiz pa siya, kagaya na nga lamang nito ay ng mapabilang siya sa Kapuso serye na “Amaya” na pinagbidahan ng Primetime Queen na si Marian Rivera.

Credits: Aj Dee | Instagram

Matatandaan na unang nakilala sa showbiz si AJ Dee ng maging isa siya sa mga kalahok noon ng isa sa mga segment ng programang MTB: Ang Saya Saya na ‘TV Idol Ur The Man’.

Samantala, ngayon nga ay halos ilang taon na rin nating hindi nasisilayan sa anumang programa o proyekto sa telebisyon si AJ Dee at ito nga ay dahil umano sa iniwan na nito ang kanyang showbiz career para magpokus sa kanyang pamilya.

Credits: Aj Dee | Instagram

Ayon sa naging ulat ng GMA – Entertainment, may pamilya na ngayon ang dating aktor na si AJ Dee. Siya ay ikinasal sa isang Norwegian citizen na kinilalang si Olga. Sa kabila naman ng pagiging isang Norwegian citizen ng misis ni AJ na si Olga ay marunong ito magsalita ng tagalog.

Mayroon na ring dalawang anak ang mag-asawa, at ito nga ay parehong lalaki na pinangalanan nila ng Maximum James at Alexandros Jayden.

Makikita sa mga larawan ni AJ Dee sa kanyang social media account na madalas niyang kasama ang kanyang asawa at mga anak, dahil sa nais niyang nakaka-bonding niya ito lagi. Ilang mga bansa na rin ang napuntahan nilang mag-anak, kagaya na nga lamang ng Amsterdam at Spain.

Credits: Aj Dee | Instagram

Sa kabila naman ng pagkawala ng kanyang kasikatan matapos niyang iwan ang karera bilang isang artista, ay masisilayan naman kay AJ Dee na kontento at masaya ito sa buhay niya ngayon, dahil ang kanya ngang pamilya ang mas nagbibigay kasiyahan sa kanya.

Credits: Aj Dee | Instagram

Pagdating naman sa kanyang tinatahak na karera, ay makikita na abala ngayon si AJ Dee sa pagiging isang modelo ng mga sikat at kilalang brand na nagpo-photo shoot sa iba’t ibang mga bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *