Maraming taon na nating napapanood sa telebisyon at sa mga pelikula ang aktor na si Coco Martin. At sa loob ng halos dalawang dekadang pag-aartista sa industriya ng showbiz ay pinatunayan ni Coco ang kanyang natatanging husay sa pag-arte.
Credits: Real Living | Image
Hindi na rin nakapagtataka kung sa loob ng maraming taon, ay malayo na ang narating na tagumpay ni Coco. At isa sa masasabing bunga ng kanyang pagsisikap ang kanyang napakalawak at napakagandang mansyon na matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.
Ang napakagandang bahay na ito ni Coco, ayon sa kanya, ay inabot ng tatlong taon bago matapos dahil matagal pa umano siyang nag-ipon para rito, sa halip na umutang sa bangko. Ang property na ito ni Coco ay may kabuuang sukat na 2000 sqm. Malaki rin paniniwala ni Coco na ang pagpapatayo ng bahay, ay hindi natatapos kung saan nga, ay kinakailangan ring suriin maging ang mga maliliit na detalye. Dahil nga talagang plinano at pinag-isipang mabuti ni Coco ang disenyo ng kanyang bahay, ay makikita naman na sadyang napakaganda nito kung saan nga ay nakamit niya ang nais na disenyo ng kanyang pinapangarap na bahay.
Sa labas pa lang nga ng bahay ni Coco, ay masisilayan na taglay nitong ganda na hatid ng puno at mga halaman na nagbibigay ng tropical vibe. Sa maindoor naman, ay agad na sasalubong ang isang artwork ng National Artist for Visual Arts na si Abdulmari Asia Imao. Ayon kay Coco, ay ito ang kauna-unahang pinto na obra ng nasabing artist. At ang disenyo nito ay isang isda na hiniling pa ni Coco para sa kanyang lola na sumisimbolo sa sodiac sign nitong Pisces.
Credits: Real Living | Image
Kapansin-pansin naman ang hilig ni Coco sa mga artworks dahil sa living area, ay makikita ang iba’t ibang obra ng mga kilalang sculptor tulad na lamang ng brass sculptor na si Ronald Castrillo na Balloon’s life series. Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang bar area, home theater at bedroom ng aktor.
Credits: Real Living | Image
Talaga namang hahangaan ang taglay na ganda ng animo’y mansyon na bahay ni Coco, dahil nagmistula rin itong isang resort dahil sa nakakarelax ang kapaligiran. Sa veranda pa lang nga ay ramdam na ramdam na ang relaxing ambience na tila nasa isang resort. May matatagpuan ring napakagandang gazebo na nakatayo naman sa koi fishpond kung saan mula rito ay masisilayan ang swimming pool at cabana.
Credits: Real Living | Image
Ang cabana ay nagmistulang isang mini house kung saan makakapagpahinga at makakarelax ang mga bisita ni Coco. Ito ang nagsisilbing guest house ni Coco sa tuwing may bisita siya. At tiniyak naman ni Coco na magiging komportable at masaya ang kanyang mga bisita sa tutuluyan ng mga ito.
Credits: Real Living | Image
Makikita rin dito ang malinis at tila nag-aanyayang swimming pool. Kapansin-pansin naman taglay na kalinisan ng outdoor area lalo na nga’t pinaganda ito ng tropical-inspired design na tila nasa isang resort.