Silipin ang Jungle-themed Birthday Party na Inihanda ng Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia Para sa 1st Birthday ni Baby Amari

Bilang mga magulang ay nakasubaybay tayo sa milestone ng ating mga anak. At tulad ng ibang magulang ay wala ring pinapalampas na sandali ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia, para masaksihan ang bawat hakbang sa paglaki ng kanilang napakacute na baby boy na si Baby Amari.

Credits: Coleen Garcia | IG

Sa matulin na paglipas ng panahon ang cute na batang isinilang ni Coleen sa gitna ng pandemya noong ika-10 ng Setyembre 2020, kamakailan nga ay masayang nagdiwang ng kanyang 1st birthday. At para pasalamatan ang panibagong taong ipinagkaloob sa buhay sa kanilang anak na si Baby Amari, ay naghanda ang mag-asawang Billy at Coleen ng isang espesyal at masayang selebrasyon.

Credits: Coleen Garcia | IG

Sa Instagram ay ipinasilip ng celebrity couple ang masayang kaganapan sa pagdiriwang ng 1st birthday ni Baby Amari. At makikitang isang jugle-themed birthday party ang inihanda nina Billy at Coleen para sa kanilang panganay na anak.

Masayang ibinahagi ni Coleen sa Instagram, ang mga larawan na kuha sa masayang birthday party ng kanilang panganay na anak. Ayon nga sa caption ng post ni Coleen, ang set up ng birthday party ni Baby Amari ay gawa sa tunay na mga halaman. At upang maging makatotohanan at magmukhang nasa jungle ay sinamahan na rin nila ito ng life-sized jungle animals figures.

Credits: Coleen Garcia | IG

“We got to bring this little plantito’s dreams to life during his special day! His setup was full of real plants,”saad ni Coleen.

Hindi naman maikakaila na talagang nag-enjoy ni Baby Amari ang kanyang birthday party kung saan ay walang humpay na nakipagkulitan at nakipaglaro sa kanyang mga bisita. Kaya naman, dahil sa pagod ay hindi na nahirapan pa si Coleen na patulogin ang kanyang anak at nakatulog na nga ito kaagad pagkatapos ng party.

“He had so much fun playing and going around! When it was finally bedtime, he didn’t fight it (he usually does) and slept so well right away.”

Samantala, nilinaw naman ni Coleen na limitado lamang ang kanilang mga naging bisita. At ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Amari ay sumailalim sa swab test para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

“We limited our guest list to just family and a couple of friends (Wyatt is Amari’s only baby friend apart from Alison), but we still made sure to have every person swab tested for this day!”

Credits: Coleen Garcia | IG

Matatandaan naman na noong nakaraang araw ng Setyembre 10, sa mismong araw ng birthday ni Baby Amari, ay ipinaabot ng mag-asawang Billy at Coleen ang kanilang pagbati sa kanilang pinakamamahal na anak. Isang mensahe na puno ng pagmamahal, at kung gaano silang nagpapasalamat sa pagdating nito sa kanilang buhay.

“There are a lot of scary and negative things still going on in the world, but you have been our sunshine and ray of hope. We celebrate your life today and every day! Even though you didn’t really get to go around, meet people, and explore much of the outside world during your first year, we still found all kinds of ways to enjoy and live our best life together. And our hearts are always full,”mensahe ni Coleen.

Credits: Coleen Garcia | IG

“You probably won’t remember this or just not pay any attention to our messages cause you’re still young. But I want you to know that no matter what the circumstances are, your mom and I will always lift you up when you’re down, comfort you when you’re uneasy, and love you until the world ends. My life changed when I married your mother, and our lives changed since God gave us a beautiful little angel. I love you my son, so much!,”mensahe naman ni Billy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *