Rumored Couple na sina Julia Montes at Coco Martin, Namataang Magkasabay na Nagparehisto Para Maging Botante Sa Darating na Eleksyon

Sa nalalapit na pagdating ng election para sa susunod na taong 2022 sa ating bansa ay puspusan na rin ang pagpaparehistro ng bawat mamamayan para makaboto. Bilang isang mamamayan ay karapatan nating bumoto para mailuklok sa kanilang pwesto ang karapat-dapat na opisyales.

Tulad  ng normal na tao, ay karapatan rin ng mga sikat na celebrities sa showbiz ang magparehistro upang maging ganap na botante. Kaya naman, hindi rin nagpahuli ang mga kilalang artista sa showbiz na pumila, at magparehistro para makaboto sa darating nahalalan.

At kamakailan lamang nga, ay namataan ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin na magkasamang pumila at magkasabay ring nagparehistro para maging botante. Nito lamang ika-29 ng Setyembre, araw ng Miyerkules ay isang video ang ibinahagi ni Julia sa kanyang Instagram kung saan makikita ang ilang larawan na kuha nang siya’y magparehistro sa isang sikat na mall at makikita na kasama ng aktres ang aktor na si Coco Martin.

“Somewhere inside of all of us is the power to change the world – Roald Dahl”,caption ni Julia sa kanyang post.

Samantala, sa kanyang post ay hinikayat rin ni Julia ang publiko na magparehistro rin para makaboto sa darating na eleksyon. At gumamit nga ang aktres ng hashtag na BotoPilipinas at #MagparehistroKa, para ipaabot sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ang kanyang mensahe.

Matagal nang usap-usapan ang pagkakaroon di umano ng relasyon nila Julia at Coco matapos magkasama sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Samu’t saring espekulasyon rin ang kumalat patungkol sa kanilang dalawa. At nitong mga nakaraang buwan nga, ay napapadalas na rin silang makita ng publiko nang magkasama. Tila unti-unti na ngang inilalantad ng dalawa kung anuman ang namamagitan sa kanila.

Maliban naman kina Julia at Coco, ay marami na rin sa mga sikat na artista sa showbiz ang nagparehistro na para makaboto kagaya na lamang nina Ann Santos at Gary Valenciano.

“Parehistro na po ang mga hindi pa nagreregister… Let’s all UNITE and VOTE,”pahayag ni Juday.

Kasabay namang nagparehistro ni Juday ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo, kung saan sa kanyang post ay hinikayat rin niya ang publiko na magparehistro na.

“The first step in making sure our voice is heard. You have till Thursday. Head out and register,” ani naman ni Ryan.

Sa Instagram naman ni Gary Valenciano ay ibinahagi niya ang kanyang pagpaparehistro na kung saan ang hangad ng singer ay isang maayos at mapayapang halalan sa darating na 2022 election.

“Voter registration ends soon! I’m finally registered. Thanks to the Antipolo government for all the support! Every vote counts my friend. Let’s do our part in choosing our next set of leaders. I am praying for wisdom and discernment for all of the voters and for the leaders of our country.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *