Kapag ang isang tao ay hindi nawawalan ng pag-asa sa pagtupad ng kanyang pangarap, at nagpapatuloy na ito ay makamtam ay hind inga magiging posible sa kanya ang mabigyan ito ng katuparan anuman ang kanyang pagdaanan.
Credits: Yamyam Gucong | IG
Ganito nga ang pinatunayan ng PBB Big Winner na si Yamyam Gucong, na dahil sa kanyang mga naging pagsusumikap at pagsisipag sa buhay ay nagbunga na nga ang mga ito, ang mga pangarap niya ay unti-unti na niyang nabigyan ng katuparan.
Matatandaan na noong buwan ng Pebrero, sa programa ng Kapamilya network na “Magandang Buhay” ay naibahagi ni Yamyam Gucong ang mga bagay na kanyang naipundar para sa kanyang pamilya. Ayon sa kanya, ang sinasaka nilang lupa noon ay nabili na niya para mapagtaniman ng kanyang mga magulang. Maliban pa dito, ay nakapagpundar na rin umano ang binata ng sasakyan.
Credits: Yamyam Gucong | IG
“Isa noon ay nakabili ako ng lupa. Amin na ‘yung sinasakahan naming dati. Tapos bumili rin ako ng sasakyan”, ani Yamyam.
Ikinuwento rin ni Yamyam, na nakapagpundar na siya ng negosyp para sa kanyang pamilya, at ito nga ay isang panederya na itinayo niya sa kanilang probinsya.
Credits: Yamyam Gucong | IG
“May bakeshop. May konting negosyo ako, hindi rin ‘yon akin, para sa kanila rin ‘yon, family business”, dagdag na saad pa ni Yamyam.
Sa ngayon nga ay patuloy na abala si Yamyam sa pagsusumikap para sa kanyang pamilya, at sa kabila ng bihira niyang makita ang mga ito, dahil ang kanyang trabaho sa showbiz ay nasa syudad, ay hindi naman niya nakakalimutan na ginagawa niya lahat ng bagay na ito para sa kanyang pamilya.
Samantala, makalipas naman ang ilang buwan ng makapanayam nga ng Magandang Buhay si Yamyam, nito lamang nakaraan, ay proud at masaya namang sinabi ng PBB Big Winner, na ngayon ay nakapagpatayo na siya ng bahay para sa kanyang pamilya.
Credits: Yamyam Gucong | IG
Sa kabila nito, aminado naman si Yamyam na dahil sa patuloy na paglaganap ng pandemya sa ating bansa, ay hindi nga ganun kadali ang pagpapatayo ng bahay sa mga ganitong panahon.
“Totoo pala talaga sabi nila ang hirap magpatayo ng bahay sa gitna ng pandemya lasao na lasap ko ang pressure at budget”, ani Yamyam na may hashtag pa nga na para sa kanyang pamilya.
Credits: Yamyam Gucong | IG
Makikita naman ang naging pagbabahagi ni Yamyam ng mga larawan ng kanyang pinapatayong bahay, kung saan ay mapapansin na ito ay “under construction” pa
Kahit naman hindi pa tapos ang bahay na ipinapatayo ni Yamyam para sa kanyang pamilya, ay malakas naman ang kanyang tiwala sa Panginoon, na sa tulong nito, ay matatapos din ang kanyang pangarap na maganda at kumportableng bahay para sa kanyang buong pamilya.