Nikki Gil, Ibinida ang mga Nag-Gagandahang Painting ng Kanyang Anak na Si Finn

Kasiyahan ng isang magulang ang makita ang bawat ‘achievement’ ng kanyang mga anak. Tunday din na nakaka-proud bilang isang magulang kapag ang iyong anak ay nakikita mong kahit nasa murang ead pa lamang ay may tinataglay na talento sa isang larangan.

Credits: Nikki Gil | IG

Halimbawa na lamang nito ay ang singer na si Nikki Gil, na magmula nga ng siya ay mag-asawa at magkaroon ng anak ay mas pinili niyang mag-pokus sa pag-aaruga ng kanyang anak kaya naman talagang sa paglaki ng panganay na anak niyang si Finn ay na-monitor at naalagaan niya ito.

Nito nga lamang nakaraan ay ibinida ni Nikki sa kanyang latest post ang first artwork ng anak niyang si Finn.

“Finn’s first framed artwork?? Thank you Mimi @juliesantosgil”, ang naging saad ni Nikki sa kanyang caption.

Credits: Nikki Gil | IG

Makikita na bilang isang mommy ay talaga namang napaka-supportive ni Nikki sa anak niya, at ipinagmamalaki niya ang talentong taglay nito. Sa murang edad ng ani Finn ay napakaganda na ng likha nitong artwork at tila nga namana niya sa kanyang mga magulang ang talento niyang ito.

Samantala, maliban sa pagpipinta ay hobby din ng mag-inang Nikki at Finn ang magbasa, kung saan batid natin na ito ay isa sa mga mahahalagang bagay na dapat makasanayang gawin ng isang bata.

Credits: Nikki Gil | IG

“It’s #DisneysReadsDay? During the quarantine, we’ve been having to use our minds to travel and reading has become such a useful tool in teaching my preschooler things he hasn’t yet experienced – things like the wonders of adventure and the value of friendships. And this book is perfect!? Excited to see where our next book will take us! Help me out by doing your @Disneybooks @BookFaceChallenge!”

Sa panahon ngayon ay malaking bagay naman talaga ang pagbabasa lalo na sa mga bata. It o ay dahil kapag nakahiligan nila ang pagbabasa ay mas dumarami ang kanilang kaalaman at mas natututunan nila ang mga bagay-bagay.

Credits: Nikki Gil | IG

Maliban sa pagiging ina ni Nikki sa panganay na anak niyang si Finn, ay ipinagbubuntis na rin niya ngayon ang magiging 2nd baby nila ng kanyang asawa na magiging baby brother ni Finn. Silang magpamilya ay pinananabikan na ang magiging pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Kinagiliwan naman ng mga netizens ang makita kung gaano ka-proud si Nikki sa kanyang napakatalentadong anak na si Finn. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“Beautiful work galing naman ng baby na yan”
“Awww great job Finny!!! So, cute!”
“Guapo na, so talented pa”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *