Newly Wed Couple Angel Locsin at Neil Arce, Nagbigay Sulyap sa Ikalawang Palapag ng Kanilang Bagong Tahanan

Noong Hulyo 26, 2021 ay ikinasal na sina Angel Locsin at Neil Arce. Ibinahagi rin nila ang kanilang magiging bahay bilang mag-asawa. Matatandaang ibinahagi na nila sa isang vlog ang unang palapag ng kanilang bahay na naglalaman ng kanilang sanitation area at sala na punong-puno ng mga artworks.

Credits: The Angel and Neil Channel | IG

Makikita rin dito ang kanilang porch, dining room, utility room kung saan tumutuloy ang kanilang mga kasambahay, at outdoor at indoor kitchen na kumpleto ng kagamitan at supplies. Dito rin makikita ang kanilang storage room, laundry room, at garahe.

Ngayon naman ay ipinakita na rin nila ang ikalawang palapag ng mansyon. Sa palapag na ito makikita ang kwarto nina Angel at Neil at ang kwarto ng anak ni Neil na si Joaquin. Mayroon ding opisina at guest room sa palapag na ito.

Credits: The Angel and Neil Channel | IG

Sa opisina kadalasang nagtatrabaho sina Angel at Neil. Dito rin nila ginaganap ang kanilang mga Zoom meetings. Ngunit dito raw kadalasang naglalagi si Angel para magbasa ng kaniyang mga paboritong libro. Ipinakita naman ni Neil ang napakalawak na kwarto ng kaniyang anak na mayroong dalawang balkonahe at sariling TV.

Nakakagulat din ang disenyo sa kwarto dahil ito ay punong-puno ng manika na Chuckie at Bride.

Credits: The Angel and Neil Channel | IG

Ayon kay Neil, ang anak niya lang siguro ang hindi takot sa sikat na mga manikang ito. Ibinahagi rin nila ang kanilang magiging kwarto. Mayroon silang sariling sofa upang sila ay makapagpahinga. Pagkatapos din ng mahabang araw ng pagtatrabaho ay maaari nilang gamitin ang kanilang massage chair.

Kapansin-pansin din ang koleksyon ni Angel ng mga airsoft guns at kutsilyo. Bukod sa mga muwebles at disenyo sa kwarto, mayroon ding magarbong dressing room.

Credits: The Angel and Neil Channel | IG

Dito makikita ang mamahaling mga damit ni Angel. Dito rin siya nag-aayos para sa trabaho. Nakakamangha rin ang dressing room na ito sapagkat konektado ito sa kanilang banyo na mayroong bathtub at sauna.

Credits: The Angel and Neil Channel | IG

Bukod sa kanilang magarbong mansyon ay ibinahagi rin nila ang kanilang mga naging karanasan habang ipinapatayo ang bahay. Ayon sa mag-asawa, masaya ang proseso ng pagpapagawa ng bahay na ito ngunit mayroon din naman silang mga hindi pagkakaunawaan. Ngunit, ang importante ay maaayos nila ito at magkakasama pa rin sila nang masaya habang buhay.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *