Mulling Nagbalik-Tanaw ang Aktor na si Ejay Falcon sa Mahirap na Buhay Niya Noon sa Mindoro Kung Saan Naranasan Niya ang Maging Kargador

Tunay namang ang buhay at kapalaran ng isang tao ay maikukumpara sa isang ‘gulong’, ito nga ay dahil ito ay patuloy na umiikot sa bawat panahon, kung saan hindi ibig sabihin na ngayon ay lugmok ka sa hirap ay habang buhay ka ng mahirap, dahil maari magbago ang takbo ng iyong kapalaran kapag diskarte, tyaga at pagsusumikap ay umiral sa iyong buhay.

Credits: Ejay Falcon | IG

Ganito ang karamihang naging kuwento ng buhay ng mga hinahangaan nating personalidad sa showbiz, kagaya na nga lamang nito ay ang aktor na si Ejay Falcon.

Sa Facebook post ng aktor kamakailan lamang ay muli siyang nagbalik-tanaw sa kahirapan ng buhay niya noon, nu’ng wala pa siya sa mundo ng showbiz. Muli niyang inalala ang panahon na naranasan niyang magtrabaho bilang isang kargador.

Kuwento ng aktor sa kanyang naging Facebook post, 15-years ago, ay isa lamang siyang simple at ordinaryong binata sa kanilang probinsya sa Mindoro. Kung saan upang makatulong sa kanyang pamilya, sa batang edad niya ay rumaraket na siya ng iba’t ibang trabaho para lamang kumita ng pera.

Credits: Ejay Falcon | IG

“Mapagpalang Araw po mga Kakampi-Kababayan Share ko lang po 😊. 15 years ago, isa akong ordinaryong binata sa Mindoro na rumaraket bilang kargador para makatulong sa pamilya at pambaon sa School.”

Dagdag na pagbabahagi pa ni Ejay, sa kanyang pagiging isang kargador ay sako-sakong mga kopra ang binubuhat nila ng kanyang mga kaibigan. Naibahagi rin niya na sa kanilang lugar sa Bacawan Pola, Oriiental Mindoro ay ang pagko-kopra ang pangunahing ikinabubuhay ng kanyang mga kababayan.

Ayon nga kay Ejay, natutuwa lang siyang isipin sa tuwing binabalikan niya ang buhay niya noon at kung anon a ang buhay na mayroon siya ngayon. Ito ay dahil sa tuwing inaalala niya ang naging kahirapan niya noon, ay lagi niya ngang nasasabi sa kanyang sarili na isa siya sa mga taong nakatanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos dahil nga sa naging malaking pagbabago sa kanyang buhay, hindi lang sa estado kundi maging sa kanyang pagkatao.

Credits: Ejay Falcon | IG

“Nakakatuwa pag nakikita ko ang mga pictures ko noon dahil hindi lang pisikal na anyo ang nagbago sakin kundi pati buhay at pagkatao ko. Isa itong paalala kung gaano ako kablessed sa buhay dahil sobra sobra pa sa pinangarap ko ang pinagkaloob sa akin. Kaya kahit papano sa abot ng aking makakaya ay pinagsisikapan ko. Na tumulong mabless din ang ibang tao sa aking sariling pamamaraan.”

Samantala, kamakailan nga lamang ay tila may naging pagpapahiwatig ang aktor sa kung ano ang magiging plano niya ngayong darating na eleksyon, at tila nga papasukin na niya ang mundo ng politika.

Credits: Ejay Falcon | IG

“Iyong sigaw at excitement ninyo, sana po madala natin ‘yan pagdating ng tamang panahon. Ang suporta ninyo. Kayo pong lahat dito, sana po suportahan niyo kami. Kaya po kami nandito ngayon, nagkakaisa, at nagpapakilala po sa inyo”, ang maririnig na saad niya sa isang video.

Maririrnig din sa isa pang bahagi ng video ang tila pagpapakilala ni Ejay sa mga kababayan niya, kung saan ay kanya ngang sinabi na hindi siya kailangan tingnan ng mga ito bilang ang personalidad na nakilala nila sa mundo ng showbiz, kundi mas mainam na tingnan ng kanyang mga kababayan ang kanyang pagiging isang

Credits: Ejay Falcon | IG

“Ako po si Ejay Falcon. Kahit po hindi niyo ako tingnan bilang artista. Tingnan niyo ho ako bilang kababayan niyong Mindoreňo na gustong maglingkod sa inyo”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *