Mga Netizens, Kinaaliwan ang Pagpapasilip ni Jessy Mendiola sa Malawak at Karelaks-Relaks na Farm ni Vilma Santos-Recto sa Batangas

Muling ipinasyal ng aktres na si Jessy Mendiola sa isang magandang lugar ang kanyang mga tagasubaybay. At sa pagkakataon nga na ito ay ipinakita ni Jessy ang malawak na farm ng ina ng kanyang mister na si Luis Manzano na walang iba kundi si Vilma Santos-Recto.

Credits: Google | Image

Masayang ipinasilip ni Jessy sa publiko ang pagmamay-aring farm ng mag-asawang Vilma Santos-Recto at Sen. Ralph Recto na matatagpuan sa Lipa, Batangas.
Ipinakita ni Jessy sa kanyang ‘latest vlog’ ang naging pamamasyal nila ng kanyang asawang si Luis Manzano sa farm na pagmamay-ari ng ina nito na si Vilma Santos o mas nakilala nga ng publiko bilang si Ate Vi sa industriya ng showbiz.

Makikita sa video na ibinahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel na isang napakalawak na farm na mayroong luntian at napaka-preskong tanawin ang pagmamay-ari ni Ate Vi at asawa nitong si Sen. Ralph Recto.

Credits: Google | Image

Maliban pa sa nakaka-relaks na tanawin, ay kaaliw-aliw rin ang mga makikitang alagang hayop sa nasabing farm. Ilan nga sa mga hayop na naroon ay baka, at mayroon ding mga ibon.
Siyempre hindi rin naman mawawala sa naturang farm ang pagkakaroon ng iba’t ibang tanim na punong-kahoy, kagaya na lamang ng puno ng manga at iba pa ngang uri ng prutas at gulay na namumunga.

Samantala, ipinakita naman ni Ate Vi sa video na ito ni Jessy ang kanyang pagiging ‘cool’, matapos nga niyang biruin ang anak niyang si Luis patungkol sa hugis ng mukha nito. Biro nga ni ate Vie, tinuro niya ang puno ng mangga, at sinabi na tila wala itong bunga, sabay harap at lapit sa kanyang anak na si Luis at sinabi na ay ‘mayroon pala’ na ang tiutukoy nga ay ang hugis ng mukha ng kanyang anak.

Credits: Jessy Mendiola Manzano | YT

May hirit naman si Luis sa naging biro na ito sa kanya ng ina, ayon sa kanya, ay hihinto na sa pagpupulitika ang ina at magbabalik showbiz na nga at ito umano ay mapapanood sa programang “Goin Bulilit.”

Nabanggit naman ni Luis na plano rin niya na magkaroon ng kanyang sariling farm sa Batangas, ito nga ay dahil sa talaga namang maganda ang tanawin sa nasabing lugar. Dahil din umano sa klima ng mayroon ang Batangas, ay hindi mahirap ang mag-alaga ng mga pananim at hayop, halimbawa nga na siya ay magkaroon na ng sarili niyang lupain sa lugar.

Credits: Jessy Mendiola Manzano | YT

Naging kapansin-pansin naman ang pagiging malapit ni Jessy sa ina ng kanyang mister na si Ate Vi, dahil habang sila ay naglilibot sa farm ay magkahawak pa ang kanilang kamay. Ipinakita naman ni Ate Vi ang iba’t ibang mga pananim nila sa kanilang farm.

Credits: Jessy Mendiola Manzano | YT

Bumuhos naman ang mga komento mula sa mga netizens na naaliw ng mapanood ang video na ito ni Jessy sa farm ni ate Vi. Kinaaliwan din ng mga netizens ang samahan ng mag-inlaws na talaga namang kita ang pagiging close sa isa’t isa.

“Super ganda ng place ng farm the landscape, the native house the surrounding everything nice.”

“I really admired how daughter in law and mother in laws bonding… ang ganda nila tingnan.”

“Ang ganda ng Lugar, nakaka-inspired naman talaga ang mga ganyang couple.”

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *