Mga Netizens Hinangaan ang Mas Young Look Awra ni Dimples Romana Matapos Ibahagi ang Mother-Daughter Photo Nila ng Anak Niyang si Callie

Bagama’t madalas nating nakikita ang aktres na si Dimples Romana sa kanyang mga kontrabida roles sa mga seryeng kanyang kinabibilangan, ay batid naman natin na sa tunay na buhay ay isang mapagmahal at mabuting ina ang aktres sa kanyang mga anak.

Credits: Dimples Romana | IG

Nito nga lamang nakaraan ay makikita ang naging pagbabahagi ni Dimples sa kanyang Instagram account ng mga larawan kung saan ay kasama niya ang kanyang panganay na anak na si Callie. Sa larawan ay makikita ang napakagandang twinning moments nilang mag-ina.

Sa mga Twinning photos na ito ni Dimples at kanyang anak na si Callie, ay tila nga ang aktres ay bumabalik sa kanyang kabataan, lalo pa ngayon na mas naging fit and healthy siya.

“Love you ate @callieahmee.. Twinning of you reminds me of my youth and how to just keep letting the sunshine in. If you follow our #TheFAhmeely you will know na si Callie talaga ang mahilig sa anything locally handmade. She bought this from @coraandcecli@ and had it customized.


Credits: Dimples Romana | IG

She got this twinning outfits a few months ago pa, I think around the time I just began with my fitness and weight loss journey. Ngayon ko lang nasuot. Akala ko kasi hat ad bandana, top pala”, ang naging saad ni Dimples sa kanyang caption na nakalakip sa twinning photos nila ng kanyang anak na si Callie.

Makikita nga sa mga larawan ng mag-ina na napakalapit nila sa isa’t isa, at talaga namang si Dimples ay sinusuportahan ang kanyang anak na si Callie sa kung ano man ang kagustuhan nito sa buhay basta’t makakabuti para sa sarili nito. Ayon pa din kay Dimples ang kanyang anak na si Callie ay talaga namang mahilig sa mga locally handmade product, kagaya na nga lamang ng suot nila sa larawan na binili pa umano ng kanyang anak nung mga panahon na nagsisimula pa lamang siya sa kanyang weight loss journey.


Credits: Dimples Romana | IG

“DimpsTips if you want to embark with same journey, it would help to get a motivation dress or outfit. See how inspired you’ll feel when they finally fit you well.

“As for me, I can’t keep stressing enough how I love my body through thick and thin and no matter how cliché it may sound, HAPPINESS is actually an INSIDE JOB, work on the inside first before anything”, dagdag na saad pa ni Dimples na tila nga payor in sa lahat ng nais na mag-loose ng weight kagaya niya.

Credits: Dimples Romana | IG

Tunay naman talagang kabilib-bilib si Dimples Romana hindi lang sa kanyang pagiging isang mahusay na artista, kundi mas lalo na sa kanyang pagiging isang mabuti at ulirang ina sa kanyang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *