Matapos ang Balitang Hiwalay na sa Aktor na Si Paolo Contis, LJ Reyes Nasa New York na Ngayon Kasama ang Anak na Si Summer at Aki

Noon lamang nakaraang linggo ay naging mainit na usapin sa social media na di umanoy hiwalay na ang celebrity couple na si LJ Reyes at Paolo Contis, ito nga ay matapos na mapansin ng mga netizens sa IG ng aktor ang naging pag-unfollow nito sa aktres at pagbura sa mga larawan nilang magpamilya at tanging naiwan na lamang ay ang mga larawan at video nila ng anak niyang si Summer.

Credits: Paolo Contis | IG

Sa kabila naman ng mga nagsilabasang espekulasyon mula sa mga iniisip ng netizens, ay nanatiling tahimik ang dalawang panig. Hanggang nito nga lamang nakaraang araw ng Martes, ay nagsalita na ang aktres na si LJ Reyes patungkol sa isyu, matapos nga niyang paunlakan ang panayam sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda.

Naibahagi ni LJ sa nasabing panayam na sila ng kanyang dalawang anak na si Aki at Summer ay nasa bansang New York na ng panahong ‘yon at hindi na nga nila kasama sa kanilang buhay ang aktor.

Matapang rin na inamin ng aktres na bilang isang ina, ay matindi at mabigat ang kanyang pinagdadaanan sa nangyaring hiwalayan nila ng aktor. Ito nga ay dahil sa pagkakataon na ito, ay hindi na lamang siya ang maaring maapektuhan, kundi ganun din ang kanyang mga anak.

Credits: LJ Reyes| IG

Sa isang oras at anim na minuto mahigit na panayam kay LJ ni Tito Boy ay paulit-ulit na binanggit ng aktres na para sa kaligtasan ng kanyang dalawang anak kaya naman mas pinili niya ang lumayo na silang mag-iina.

“Gusto kong protektahan ang mga anak ko, malayo sa sitwasyon”, ani LJ.

Ayon nga kay LJ sa ngayon ay nasa bahay sila ng kanyang ina sa New York City, USA at isang linggo na rin umano silang naroroon. Nabanggit rin ng aktres na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan sila mananatili doon, dahil wala pa siyang kongkretong plano sa ngayon.

Credits: LJ Reyes| IG

Naikuwento naman niya na matagal ng naninirahan sa nasabing bansa ang kanyang ina. Naroon rin umano ang kanyang kapatid, kung saan nagmamay-ari nga roon ang kanyang ina ng maliit na negosyo na ‘café bar’. Maliban pa dito ay nagtatrabaho rin ang kanyang ina at kapatid sa nasabing bansa sa mga daily jobs ng mga ito.

Credits: LJ Reyes| IG

Chika pa ng aktres, tila nasa dugo na nga nilang pamilya ang pagiging workaholic.

 “Workaholic po talaga kasi ang pamilya ko eh, and it runs po yata in the blood.”

“Yung sister ko works for the building of MPA, yung train, yung subway po.”

“My mom works for a cleaning company. Sila yung nagma-manage ng buildings in New York.”

Credits: LJ Reyes| IG

Pahayag pa ni LJ ngayon na nasa New York na sila ng kanyang mga anak, ay sana ay maghinay-hinay sa pagtatrabaho ang kanyang ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *