Hindi nagsasawang maghatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga ang reel to real life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Ang kanilang nakakakilig na tambalan ay kilala sa tawag ng kanilang mga tagahanga bilang LoiNie.
Credits: Loinie TV
Sa paglipas ng panahon ay hindi naman maikakailang mas pinatunayan nina Loisa at Ronnie ang tamis ng kanilang pag-iibigan. Naging matatag at matibay nga ang kanilang relasyon sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.
At kamakailan lamang nga, ay masayang nagdiwang ang celebrity couple ng kanilang ika-57th monthsary o 4 na taon at 9 na buwang relasyon bilang magkasintahan. Hindi naman talaga mawawala ang magkaron ng selebrasyon sa espesyal na araw na ito ng dalawang pusong nagmamahalan. Ngunit, sa halip na isang romantic dinner date ang kanilang ginawa para ipagdiwang ang kanilang monthsary, ay mas pinili ng LoiNie na magkaroon ng isang extreme date adventure sa bundok.
Credits: Loinie TV
Sa isang vlog na ibinahagi nina Loisa at Ronnie sa kanilang YouTube channel na LoiNie TV, ay ipinasilip ng celebrity couple ang kanilang masaya at puno ng adventure na date para sa pagdiriwang ng kanilang ika-57th monthsary. Isang exciting at extreme date sa UCM Adventure Park ang ginawa ng magkasintahan kung saan ay nag-ATV sila.
Sa unang bahagi ng video ay makikitang nagsuot muna ng protective gear ang magkasintahan bago sumalang sa ATV o all terrain vehicle o sasakyang ginagamit sa off-road at mapuputik na daan. Nang makasakay nga sa ATV ay kitang-kita naman ang excitement ng dalawa para sagupain ang bako-bako at maputik na daan sa bundok na sakop ng UCM Adventure Park.
Credits: Loinie TV
Makikita ang saya sa mukha ni Ronnie habang nagmamaneho ng ATV samantalang si Loisa naman ay walang tigil rin ang tawa at sigaw sa tuwing mapapadaan sa maputik na daan. Kahit nga maputik at nabasa ang kanilang suot, ay sulit na sulit naman ang mga sandaling sila’y magkasama para maranasan ang kakaiba at masayang adventure.
Matapos ang kanilang masayang ATV adventure ay nagtungo naman sila sa tuktok ng bundok kung saan masisilayan ang napakagandang tanawin na hatid ng kalikasan. Hindi naman talaga matatawaran ang saya ng magkasintahan sa kanilang extreme date para sa kanilang monthsary. Makikita nga na talagang nag-enjoy sila sa kanilang adventure. At ayon pa nga kay Loisa, ay tiyak na babalik sila sa nasabing park para muling maranasan ang napakasayang adventure.
Credits: Loinie TV
Samantala, umani naman ng paghanga sina Loisa at Ronnie mula sa mga netizens, dahil bukod nga sa talagang bagay na bagay sila sa isa’t isa, ay masisilayan rin ang matamis nilang pag-iibigan. May nagkomento namang netizen, na nagsabing bagay sa celebrity couple ang mga adventure vlog dahil talagang makikita ang saya at excitement sa kanilang dalawa.