Mag-Fiancee na Sina Ellen Adarna at Derek Ramsay Kasama si Baby Elias Modesto Nagkaroon ng Isang Masayang Family Adventure

Panibagong masayang adventure na naman ang ginawa ng mag-fiancee na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay nito lamang nakaraan. At kasama nga nila sa pamamasyal nilang ito ang anak ni Ellen na si Elias Modesto, na talaga namang labis din na nag-enjoy sa naging adventure nilang ito.

Credits: Ellen Adarna | IG

Sa isang maganda at karelaks-relaks na resort sa Bagac, Bataan nagbakasyon sina Derek, Ellen at baby Elias, kung saan ay kasama rin nila ang kanilang pamilya.

Makikita naman sa mga larawan, na labis na nag-enjoy si baby Elias sa naging bakasyon nilang ito. Maging sina Ellen at Derek ay naging masaya rin sa pamamasyal nila, lalo na’t napakaganda at tunay namang nakakarelaks ang tanawin sa lugar na kanilang pinuntahan.

Credits: Ellen Adarna | IG

Ayon nga sa ulat, ang lugar ngang ito sa Bagac, Bataan na pinutahan nina Ellen at Derek kasama si baby Elias para mamasyal at makapagbakasyon ay sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort.

Ang nasabing resort ay isa sa mga pinakadinarayong resort sa naturang lugar, at ilang mga sikat na celebrity na nga ang naitampok ito sa kanilang vlog dahil sa ganda nito.

Credits: Ellen Adarna | IG

Samantala, isa naman sa talagang ikina-enjoy ni baby Elias sa naturang lugar ay ng makakita siya ng ‘usa’, isang uri ng hayop na bihira ngang makikita sa ating bansa. Kapansin-pansin naman sa mga larawan, na hindi takot si baby Elias sa naturang hayop dahil sa malakas ang loob at go na go nga nitong hinawakan ang usa.

Credits: Ellen Adarna | IG

Base rin sa mga ilang artikulong lumabas, kasama sa naging bakasyon na ito nina Derek ang kanyang ama at ina, na sina Derek Arthur Ramsay Senior at Remedios.

Upang mas lalo pang ma-enjoy at masulit ang pagbabaksyon nila sa magandang lugar, ay nilibot nga nila ito sakay ng isang golf cart, at talaga namang sila ay nag-enjoy na masilayan ang karelaks-relaks na tanawin ng villa resort.

Credits: Ellen Adarna | IG

Siyempre, hindi nga lamang si baby Elias ang super na nag-enjoy sa bakasyon nilang ito, dahil maging ang magkasintahang sina Derek at Ellen ay super ding nasiyahan. Kitang kita nga sa dalawa ang ‘sweetness’ nila, kung saan ay naka-holding hands pa sila habang sila ay naglalakad at nag-iikot ikot sa lugar.

Ika-31 ng Agosto ng ibahagi ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram account ang larawan ni baby Elias na kuha sa naging bakasyon nila sa Bataan, kung saan ay makikita nga ang kanyang anak na masayang sumasayaw sa naging family trip nila.

Sa Instagram account naman ni Derek Ramsay ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng masayang bonding moments nil ani baby Elias, katulad na nga lamang ng isang larawan nila kung saan ay makikitang nakahiga sila at tila nga naghaharutan dahil sa pareho silang humahalakhak.

Credits: Ellen Adarna | IG

Matatandaan na ang magkasintahang Ellen Adarna at Derek Ramsay ay na-engaged sa isa’t isa noong buwan ng Marso ng kasalukuyang taon, ito ay sa kabila nga ng dalawang buwan pa lamang nilang pagkakaroon ng relasyon bilang magkasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *