Mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo, Gumastos ng P80 Million Para sa Kanilang Enggrande at Magarbong Kasal Na Naganap sa Paris

Ang mag-asawang doktor na sina Hayden Kho at Vicki Belo ay kilala na pinakamayamang personalidad sa industriya ng showbiz. Kaya naman, ang kanilang kasal ay talagang inaabangan ng marami upang masaksihan ang magarbo nilang pag-iisang dibdib.

Credits: Google

Noong September 2, 2017 nang maganap ang pag-iisang dibdib nina Hayden at Vicki na ganap sa Paris, France. Ang kanilang matamis na sumpaan sa isa’t isa ay naganap naman sa The American Church na talaga namang isang napakaganda at napakalaking simbahan.

Napakabongga naman talaga ng kasal nina Hayden at Vicki dahil ang guest na dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib ay umabot ng 241 at ang 50 sa mga ito ay mga sikat na celebrities mula sa Pilipinas. Sa Coco Chanel Suite naman tumuloy ang mag-asawa kung saan ay bongga at talagang pang mayaman ang mga pasilidad dito. Mayroon itong living room, isang private wine cellar, 3 marble bathrooms, malaking dressing room, at 2 immense rooms. Ang isang immense room ay nakalaan para sa yaya ng kanilang anak na si Scarlet.

Credits: Pep

Hindi naman naging madali ang ginawang paghahanda ng event organizer na si Javi Martinez Pardo ng Yaparazzi Events dahil inabot ito ng isang taon. At upang maisakatuparan ang The Wedding of The Year ay mahigit 400 na crew at 25 artists ang tumulong sa kanya para lang malagyan ng napakagandang disenyo ang stage.

Dalawa naman ang naging reception ng kanilang kasal, na kung saan ay inihanda ng Potel et Chabot na kilala bilang “one of the world’s most prestigious caterers”. Una nga ay sa isang yate sa River Seine kung saan nga ay nagkaroon sila ng romantic moments habang umiinom ng wine at sumasayaw na sinabayan ng malamyos na musika. Sinundan naman ito ng engrandeng pagdiriwang na naganap sa Grand Foyer ng Opèra Nacional de Paris. At sa loob ng dalawang araw, ang architectural masterpiece ay exclusive lamang para sa kasal ng mag-asawa.

Ngunit, magkano nga ba ang ginastos nina Hayden at Vicki para maisakatuparan ang kanilang mala-fairy tale sa ganda at engrandeng kasal?

Credits: Pep

Ayon nga sa ulat, ang kabuuang gastos sa kasal nina Hayden at Vicki magmula sa “wedding suppliers, designers, and service providers” at maging ang kanilang wedding customs ay may nakakalutang halaga. Ang The American Church kung saan idinaos ang kanilang kasal ay may “expected donation for a wedding ceremony is 1,350€” o katumbas ng P83,000. Ang bridal car naman na sinakyan ng mag-asawa mula sa Ritz patungo sa The American Church, at mula naman doon hanggang sa kanilang reception sa Palais Garnier, ay nagbayad sila 2,000€ o PHP122,000 sa loob lamang ng 10 hours.

Credits: Pep

Ang mga luxury van namang sinakyan ng kanilang 241 guests ay umabot sa 12 pirasong van. At ang van rates nga ay naglalaro naman sa 400€ para sa 8 hours at may additional pang 50€ kapag lumagpas naman sa nasabing oras. Sa loob lamang ng dalawang araw, ay nagbayad na sila ng mahigit 28,800€ o katumbas ng PHP1,756,000.

Ang kahanga-hanga sa gandang bridal gown naman ni Vicki ay likha naman ni Michael Cinco. Ito ay isang “blush-pink gown fully-embroidered with baroque patterns and adorned with transparent rose opal Swarovski crystals”. Meron rin itong three-meter-long train na yari sa French lace. Ang nasabing bridal gown ni Vicki ay binigyan ni Cinco ng presyo ng United Arab Emirates dirham na AED60,000, o nagkakahalaga naman ng P8 million.

Credits: Google

Ang light blue gown na isinuot ni Vicki sa reception ng kanyang kasal ay obra naman ni Mark Bumgarner at ito ay nagkakahala ng 3,000 to $10,200, o P153,000 to P521,000. Nagpalit naman ng isang blush-pink column gown si Vicki na disenyo at gawa ni Monique Lhuillier na nagkakahalaga ng $5,000 to $20,000 or PHP250,000 to PHP1.2 million.

Credits: Pep

Ang suot namang Tom Ford Windsor suit ni Hayden ay nagkakahalaga naman ng $5,460 o PHP280,000. Pagdating sa reception ay nagpalit naman si Hayden ng isang Tom Ford coat. At ang ivory coat na ito ay may presyong PHP107,395.

Credits: Google

Malibam rito ay malaking pera pa ang inilabas ng mag-asawa at kung susumahin nga lahat, ay aabot ito ng P80 million. Tunay na isang napakagarbo at engrandeng kasal ang kanilang fairytale wedding, at masasabi naman talagang ito’y “wedding of the year”.

Nito lamang ika-2 ng Setyembre nang ipagdiwang ng mag-asawa ang kanilang 4th wedding anniversary.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *