LJ Reyes, Pinabilib ang Madla sa Kanyang Taglay na Kagandahan Matapos Dumalo sa New York Fashion Week

Ang aktres at mom of two na si LJ Reyes ay hindi binigo ang kanyang mga fans na masilayan ang isang napakaganda at fresh na fresh niyang awra. Nito lamang ika-12 ng Setyembre, araw ng Linggo ay ginulat ni LJ ang publiko sa kanyang taglay na kagandahan matapos niyang dumalo sa New York Fashion Week sa unang pagkakataon na naganap sa Brooklyn, New York.

Credits: Lj Reyes | IG

Hindi nga pinalampas ni LJ ang pagkakataon na mag-enjoy sa nasabing event kung saan ay nagkaroon rin siya ng kanyang sariling photoshoot. Sa Instagram ay proud na ibinahagi ni LJ ang kanyang mga napakagandang kuha ng larawan na binigyang katuparan ng Nice Print Photography.

Makikita nga sa isang photo shoot na kuha sa street ng Brooklyn sa New York na sadyang napakaganda ni LJ sa kanyang suot na all-black outfit. Hindi maikakaila na talagang pinaghandaan rin ni LJ ang fashion week na ito, lalo na nga’t nakadaupang palad niya ang kanyang mga idolo pagdating sa fashion.

Ang dinaluhang fashion show ni LJ ay mga creations ni Brandon Maxwell. Labis naman ang tuwa ni LJ at na-starstruck pa matapos makita ang idolo niyang American super model na si Gigi Hadid.

Credits: Lj Reyes | IG

Sa gitna nga ng mainit na isyu ng hiwalayan nila ng kanyang partner na si Paolo Contis, ay makikita na blooming ang awra ngayon ni LJ na tila ba hindi dumaan sa heartbreak. Pinatunayan nga ng 33 taong gulang na aktres, na kahit anu pa mang pagsubok ang dumaan sa kanyang buhay, ay kaya niya itong dalhin at lampasan.

Matatandaan na lumipat patungong New York si LJ noong nakaraang buwan ng Agosto kasama ang kanyang dalawang anak na si na Aki at Summer. Ang anim na taong relasyon nina Paolo at LJ ay nagbunga ng isang anak na babae na ngayon ay dalawang taong gulang na.

Credits: Lj Reyes | IG

Ang dati nga’y matamis na pag-iibigan nina LJ at Paolo ay nagwakas, at nauwi sa hiwalayan na kinumpirma ni LJ sa kanyang naging panayam sa isang vlog ni Boy Abunda na mapapanood sa Youtube channel nito.

Ayon nga kay LJ ay nagpasya siyang umalis ng Pilipinas at magtungo sa US sa poder ng kanyang mga magulang para maka-recover siya at ng kanyang mga anak emotionally and mentally. Nais rin talagang ilayo ni LJ ang kanyang mga anak, dahil gusto niyang protektahan ang mga ito.

Credits: Lj Reyes | IG

Bagama’t, nabanggit ng aktres na wala pa siyang plano kaugnay sa kanilang pananatili sa US, ay nasabi naman ni LJ na may posilibiliad na dito na sila manirahan for good. Sa kabila naman ng pagsasalita ni LJ kaugnay sa isyu ng hiwalayan nila ni Paolo, ay naging maingat naman ang aktres sa kanyang mga salita kung saan nga ay hindi siya nagbigay ng ikakasira ng kanyang ex-partner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *