Komedyanteng si John Lapus, Naging Emosyunal Matapos Ibahagi ang Mga Nararanasang Pagsubok sa Buhay sa Gitna ng Pamdemya

Ang komedyante at entertainment reporter na si Ogie Diaz ay isa na ring vlogger ngayon kung saan nga ay naghahatid ng inspirasyon at aral sa buhay sa kanyang mga vlog. Iba’t ibang kwento sa buhay ng mga kilala at sikat na personalidad sa showbiz na kanyang nakakapanayam ang kadalasang tampok sa kanyang mga vlog.

Credits: Ogie Diaz | YT

At kamakailan lamang nga ay nakakwentuhan ni Ogie ang isa sa kanyang mga kaibigan na si John “Sweet” Lapus, na isa ring komedyante at entertainment reporter. Naging malalim ang usapan ng dalawa, kung saan naging takbo ng kanilang usapan ang pamilya at mga pinagdadaanang pagsubok sa buhay ni Sweet, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Lingid sa kaalaman ng marami, sa likod ng masayang tawa at ngiti ni Sweet ay nakatago ang lungkot at labis na paghihirap ng kanyang kalooban dahil sa kanyang pamilya. Nang kamustahin nga ni Ogie ang relasyon ni Sweet sa kanyang pamilya ngayong pandemya, ay hindi ito nag-atubiling isiwalat sa publiko na hindi talaga maganda ang ugnayan niya sa mga ito.

Credits: Ogie Diaz | YT

Kwento nga ni Sweet, bago pa man dumating ang pandemya ay hindi na raw talaga maayos ang kanyang relasyon sa kanyang mga kapatid at pamangkin, ngunit ang nanay naman niya ay nasa poder niya. Diretsahan ang naging pahayag ni Sweet, na wala na raw talaga siyang nararamdaman para sa kanyang pamilya. Ito ay dahil sa tagal ng panahong tumulong siya sa mga ito, ay hindi raw talaga siya nasuklian ng mga ito.

Pag-amin ni Sweet, mula sa sama ng loob, hanggang sa galit ay nalampasan na niya. Kaya nga ngayon ay wala na talaga siyang nararamdamang kahit ano para sa kanyang pamilya. Siya na rin mismo ang umiwas dahil nga napansin niya na kahit anong tulong ang gawin niya sa mga ito, ay walang nangyayari sa buhay ng mga ito at iniaasa na lang lahat sa kanya.

Credits: Ogie Diaz | YT

“Na-realize kong pagod na ko sa kanila. Pagod na akong tulungan sila kasi parang hindi nila tinulungan yung sarili nila.”

“Pag tumanda ako, walang mag-aalaga sa’kin, kasi lahat sila, hindi kayang alagaan ang sarili.”

Masakit man raw para kay Sweet ang nangyari sa kanya at ng kanyang mga mahal sa buhay, ay wala na siyang magagawa. Nang tanungin nga ni Ogie, kung umaasa pa ba itong magkakaayos sila ng kanyang pamilya, ay naging totoo naman si Sweet sa kanyang kasagutan. Ayon nga kay Sweet, ay hindi na siya umaasa ngunit sa kabila nito, ay hangad na lang niya na sana raw ay maging maayos rin ang buhay ng mga ito. Ang makitang umasenso at maging maayos ang kalagayan ng mga taong kanyang tinulungan noon ay sapat na raw para sa kanya.

Credits: Ogie Diaz | YT

Samantala, bigo man si Sweet pagdating sa kanyang pamilya at love life, ay hindi naman matatawaran kung gaano siya kapalad sa pagkakaroon ng mga tunay at tapat na kaibigan na kanyang nagiging sandigan. Dahil nga alam ni Sweet na walang kamag-anak ang mag-aalaga sa kanya, lalo na ngayon sa sitwasyon nila ng kanyang pamilya, ay takot umano siyang tumanda.

Ngunit, sa kabila nito ay inihahanda na niya ang kanyang sarili, at sa katunayan ay kinausap na raw niya ang isa sa kanyang mga kaibigan kung sakaling may mangyari man sa kanya. Hindi na nga maiwasan ni Sweet ang maging emosyunal dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman. Labis naman ang pasasalamat ni Sweet sa kanyang mga kaibigan na talagang palaging nasa tabi niya.

Sa tuwing nakakaranas siya ng stress at depression ay nariyan ang kanyang mga kaibigan para damayan at palakasin ang kanyang loob. At ngayong pandemya, ay katulong rin niya ang kanyang mga kaibigan sa paghahanapbuhay kung saan nga ay nagbebenta sila ng iba’t ibang klase ng ulam online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *