Kim Chui, Ibinahagi ang First Motorcycle Adventure Kasama ang Boyfriend na si Xian Lim

Karaniwan na sa mga magkasintahan ngayon na kumain sa labas o manuod ng sine bilang date. Ngunit mayroon din namang mahilig sa mga kakaibang dates kagaya ng camping, hiking, at iba pa. Isa na rito ay celebrity couple na sina Kim Chui at Xian Lim. Madalas makita sa kani-kanilang Instagram accounts ang ilan sa kanilang dates katulad ng hiking at bonding sa magagandang resorts.

Credits: Kim Chui | YT

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Kim Chui ng isa na namang good vibes na vlog kung saan ipinakita niya ang isang bonding adventure nila ni Xian. Ipinakita sa vlog ang unang motorcycle experience ni Kim kasama ang boyfriend nito.

Matapos ang mahabang pagmamaneho ng KimXi kasama ang kanilang coach ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. Nagkaroon din ng maikling hiking adventure ang dalawa upang makarating sa tuktok ng isang bundok.

Credits: Kim Chui | YT

Nagbiro naman si Kim na mukhang hindi na mauulit ang pagmomotor niya dahil sa init at pagod. Ibinahagi rin niya na isa ang pagmomotor sa mga kinahihiligang gawin ni Xian kaya naman kahit siya ay napagod, nainitan, at natakot ay tinuloy niya pa rin ang pagsama sa adventure na ito para mapasaya si Xian. Matapos nito ay narating na rin nila sa wakas ang tuktok ng isang bundok kung saan nag-enjoy si Kim at Xian sa napakagandang view.

Ayon kay Kim, kahit nagmukha siyang haggard ay worth it naman ang kanilang pagpunta lalo na at para silang nasa Canada. Binigyan niya ang kabuuang experience na ito ng 7 out of 10 na grado.

Credits: Kim Chui | YT

Bukod dito ay bumisita rin ang dalawa sa pamilya ni Xian kung saan sila nagpahinga. Hindi rin mawawala ang food trip sa adventure na ito. Dinala ni Xian si Kim sa isang restaurant para makapagpahinga. Makikita rin ang pag-aalaga ni Xian kay Kim lalo na ang paglagay nito ng panyo sa likod. Siniguro din niya na komportable si Kim sa kaniyang motor.

Sang-ayon naman dito si Kim kaya naman sinabi niyang muntik na siyang makatulog sa biyahe.

Credits: Kim Chui | YT

Sa ngayon ay mayroong 316,000 views ang vlog na ito. Tuwang-tuwa rin naman ang 18,000 fans ng aktres na nagkomento sa video. Ayon sa isang netizen ay nakaka-good vibes ang vlog ni Kim. Ibinahagi naman ng ilan pang fans ang kanilang sariling karanasan sa pagmomotor.

Credits: Kim Chui | YT

Pinuri din ng iba si Kim dahil talagang napakaganda pa rin ng aktres kahit pagod at walang make-up. Nagkomento rin ang ilang taga-suporta ng KimXi na halatang sweet at maalaga si Kim at Xian sa isa’t isa. Talaga nga namang Relationship Goals ang dalawa.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *