Kilalanin si Vicente Woolbright-Sotto IV ang Panganay na Anak Nina Jian Sotto at Joy Woolbright na May Kahanga-Hangang Kagwapuhan

Maraming mga pamilya ang kilala at hinahangaan sa industriya ng showbiz, at kabilang na nga sa mga ito ay ang Sotto Clan na talaga namang hindi maitatanggi na maliban sa taglay na kagwapuhan at kagandahan ng miyembro ng pamilyang ito ay mga talentado pa.

Credits: Joywsotto | IG

Ang Sotto clan ay hindi lang basta kilala sa larangan ng pag-aartista dahil mayroon din sa kanila na nakilala sa larangan ng pulitika. Halimbawa na nga lamang nito ay ang Vice Mayor ng Quezon City na si Gian Carlo Sotto. Hindi naman maitatanggi na isa si Gian sa miyembro ng Sotto Clan na pang-artistahin ang looks dahil sa taglay nitong kagwapuhan.

Ikinasal si Gian kay Joy Woolbright noong taong 2007 at hanggang ngayon nga ay nanatiling matatag at matibay ang pagsasama nilang mag-asawa, kaya naman isa sila sa mga pamilyang hinahangaan ng marami.

Credits: Hugosotto | IG

Samantala, dahil sa parehong good-looking ang mag-asawa ay nabiyayaan din sila ng mga pang-artistahin looks na mga anak. At isa na nga sa mga anak nila na talaga namang ngayon ay agaw-pansin dahil sa taglay na kagwapuhan nito, ay ang panganay na anak nilang si Vicente Woolbright-Sotto IV o mas kilala sa kanyang palayaw na ‘Hugo’.

Si Hugo ay isang mestizong binata, at mahilig rin siya sa musika at dahil sa personalidad nga na ito na taglay niya, para sa mga netizens ay hindi na magiging kataka-taka kung balang araw ay pasukin niya ang mundo ng showbiz.

Credits: Hugosotto | IG

Ayon sa ulat, ngayon ay nasa edad 16 na si Hugo. Siya ay isinilang noong ika-24 ng Oktubre taong 2004.

Lingid sa kaalaman ng marami, na noong nakaraang taon ng ipagdiwang ng binata ang kanyang kaarawan, imbisna magkaroon ng selebrasyon ay mas pinili ni Hugo na ilaan ang kanyang espesyal na araw sa pagtulong sa ating mga kababayan na labis ngang naapektuhan ng bagyong Ulysses. Siyempre kasama ng binata sa mapagkawang gawain niyang ito ay ang kanyang amang si Gian Sotto.

Credits: Hugosotto | IG

Makikita naman sa mga larawang ibinabahagi ni Joy sa kanyang Instagram na madalas na mag-bonding ang kanyang mag-ama. At ang mga pinagkakasunduan nga umanong gawin ng mga ito ay ang pagkanta at pagtugtog ng gitara.

Kahit naman nagbibinata na, ay nanatili naman ang pagiging ‘sweet’ ni Hugo sa kanyang ina.

May mga nakababatang kapatid pa nga si Hugo na kapareho niya ay may mga ‘looks’ din talaga, ito nga ay sina Endrigo, Sandro, Rosanno at baby Domiku. May nag-iisang kapatid naman na babae si Hugo, at ito nga ay si Amari na talaga namang kanyang inaalagaan.

Credits: Hugosotto | IG

Sa taglay ngang karisma, kagwapuhan at talento ni Hugo ay hindi imposible na isa rin siya sa mga miiyembro ng Sotto Clan na balang araw ay papasok at sisikat sa industriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *