Kilalanin ang mga Pinay Celebrity na Hindi Lang Mahusay sa Pag-Aartista Kundi May Ibubuga Din Bilang mga Magagaling na Negosyante

Tunay ngang tayo ay napapahanga ng maraming mga Pinay celebrity sa kanilang angking kagandahan, karisma at kagalingan bilang mga artista. Ngunit marami nga sa kanila, ay hindi lamang natin hahangaan dahil sa kanilang matagumpay na karera sa pag-aartista, kundi dahil sa kanilang abilidad na maging mahusay na negosyante rin ng mga naipundar at kina-aabalahan nilang negosyo.

Marami nga sa ating mga Pinay celebrity ngayon ang hindi lamang hinahangaan at iniidolo ng madlang netizens dahil sa kanilang pagiging sikat, kundi dahil na rin sa kanilang kahanga-hangang abilidad at kasipagan na mas lalo pang paangatin ang kanilang buhay.

Narito nga at kilalanin natin ang ilang mga nag-gagandahang Pinay celebrity sa Pilipinas na hindi lang basta mahusay sa pag-aartista kundi may ibubuga at abilidad rin sa pagiging matagumpay na negosyante.

Heart Evangelista

Creidts: Heart Evangelista | IG

Maliban sa pagiging isang fasion icon at aktres, ay abala rin si Heart sa pagma-manage ng kanyang nail salon business. Dahil din sa kanyang talento sa pagpipinta, ay naisipan niyang ibenta ang iba niyang mga obra, at minsan pa nga ay pinipintahan din niya ang ilan sa mga designer bags ng kanyang mga nagiging kliyente.

Georgina Wilson

Creidts: Georgina Wilson | IG

Isa siya sa mga may-ari ng kilalang eyewear brands na ‘Sunnies”, kung saan ay kasosyo niya rin sa negosyo niyang ito sina Martine Ho, Jess Wilson, Bea Soriano-Dee at Eric Dee.

Marian Rivera

Ang hinahangaan nating Kapuso Primetime Queen ay abala rin sa pamamalakad ng kanyang Floral arrangement business at ito nga ay maaring ma-contact online sa official website nito.

Neri Miranda

Tinagurian siyang ‘wais mom’ dahil sa kanyang pagiging isang mahusay sa negosyo habang abala din na gampanan ang kanyang pagiging isang mommy. Batid natin na napakarami na niyang negosyo na karamihan nga ay ‘related sa food business’ na patok na patok nga naman talaga.

Solenn Heusaff

Mahilig siya sa pagpipinta, kaya naman ito rin ang isa sa mga ginawa niyang negosyo, kung saan ay ibenebenta nga niya ang magaganda niyang obra. Paminsan-minsan rin ay nakikipag-collaborate siya sa iba pang artists para maka-likha pa ng obra na iba ang dating at kamangha-mangha pa lalo tingnan.

Kris Bernal

Pinatunayan niya na hindi lang siya basta isang mahusay na aktres, kundi isa rin siyang magaling na negosyante ng pasukin niya ang pagnenegosyo. Siya lang naman ang may-ari ng The House of Gogi at ng lipstick line na “She Cosmetics” ang brand.

Jennylyn Mercado

Kinahiligan naman ng aktres ang pagbi-bake, kaya naman naisipan na rin niya itong gawing negosyo at ngayon nga ay mayroon na siyang bake shop na “Chunky Doug” na ang pangunahing produkto ay ang mga gawa niyang cookies.

Angelica Panganiban

 

Isa lang naman siya sa mga nagmama-ari ng “Bright Bulb Production”, isang production company. Kasosyo niya rito ang kapwa niya mga celebrity na sina John Prats at sam Milby.

Carla Abellana

Nagmamay-ari siya ng restaurant na “Holy Smokes” na matatagpuan sa Makati, maliban pa dito franchise owner din siya ng nail salon.

Maine Mendoza

Franchise owner siya ng McDonalds, isa sa mga fastfood chain na kanyang ini-endorso ngayon.

Glaiza de Castro

Pagmamay-ari niya ang Casa Galura, na matatagpuan sa Baler, Aurora. Ang casa Galura, ay isang bed and breakfast business.

KC Concepcion

Masaya at kinaaliwan niya ang pamahalaan ang negosyo niyang jewelry na “Avec Moi” na talaga namang tinatangkilik ng maraming sikat na celebrity.

Anne Curtis

Proud owner siya ng BLK Cosmetics, isa sa mga sikat na cosmetics line ngayon dito sa ating bansa.

Isabelle Daz

Pagmamay-ari naman ng aktres ang pinaka-kauna-unahang Japanese Milk bar sa Pilipinas at ito nga ay ang FRNK Milk Bar.

Maliban pa nga sa kanila, ay marami pang ibang mga Pinat celebrity na hindi lamang ang pag-aartista ang kinaabalahan. Ilan pa nga sa mga sikat na Pinay celebrity na may mga matatagumpay na negosyo ay sina Tony at Alex Gonzaga, Bea Binene, Jodi Sta. Maria, Judy Ann Santos, Dimples Romana, Kathryn Bernardo, Sheena Halili at marami pa ngang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *