Kilalanin ang Mga First-Time Celebrity Mom na Proud and Enjoy sa Kanilang Pagiging Isang Ina

Ilan sa ating mga hinahangaan at iniidolong aktres sa mundo ng showbiz ang ngayon ay may panibagong ginagampanang ‘role’ sa kani-kanilang buhay. Kung sa harap ng kamera ay ipinapamalas nila ang kanilang husay sa pagiging aktres, ngayon sa kanilang personal na buhay ay mahusay naman nilang ginagampanan ang pagiging isang ina sa kanilang anak.

Sa gallery na ito ay kilalanin natin ang mga celebrity na ngayon ay mga first time mommy na at ine-enjoy ang kanilang buhay ng pagiging isang ina.

1. Anne Curtis

Credits: Anne Curtis | IG

Bago pa man maging isang pandemya ang COVID-19 ay masayang iwinelcome ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heausaff ang kanilang panganay na anak, na isang malusog at napaka-kyut na baby girl.
Ang panganay na anak ng mag-asawa ay binigyan nila ng napakagandang pangalan na si baby Dahlia Amelie, na isinilang nga noong ika-2 ng Marso taong 2020, dalawang taon makalipas ang naging pag-iisang dibdib ng mag-asawa.

Matatandaan na isinilang ni Anne si Dahlia Amelie sa Melbourne, Australia. At sa isang panayam sa It’s Showtime host noon ngang nakaraang taon, ay ibinunyag niya kung ano ang nagtulak sa kanilang mag-asawa para magdesisyon na sa bansang Australia isilang ang kanilang panganay na anak.

Ayon kay Anne, isa sa mga pinaka-unang dahilan ay ang para makaiwas muna siya sa trabaho, dahil sa talaga namang napaka-workaholic niya at kapag nasa Pilipinas siya ay hindi nga siya mapigilan na magtrabaho. Pangalawang dahilan naman ay dahil sa gusto niya na sa kapag siya ay nanganak ay nasa kanyang tabi ang kanyang ina na si Mama Carmen.

2. Sofia Andres

Credits: Sofia Andres | IG

Noong nakaraang ‘Father’s Day 2020’ ay proud at masayang binati ng aktres na si Sofia Andres ang kanyang partner na si Daniel Miranda. Kasabay na nga nito ng naging rebelasyon niya na silang dalawa ay mayroon ng anak. Ito nga ay ang kanilang baby girl na si Zoe Natalia.

Isinilang din ng La Vida Lena actress ang kanyang panganay na anak sa bansang Australia, kung saan sa nasabing bansa rin nag-aral ang kanyang racecar driver partner na si Daniel Miranda. Bago pa man isinilang ni Sofia ang anak nil ani Daniel Miranda na si baby Zoe noong ika-24 ng Nobyembre taong 2020, ay apat na taon na rin umano silang magkarelasyon.

Samantala, naibahagi naman ng mag-partner na Sofia at Daniel sa kanilang naging first-ever Magandang Buhay interview na magkasama, na magmula ng sila ay maging ganap na mga magulang ni baby Zoe ay mas marami na silang natutunan sa kanilang buhay, at mas naging mature sila.

3. Ryza Cenon

Credits: Ryza Cenon | IG

Sinorpresa ng ‘The Generals Daughter’ actress na si Ryza Cenon ng publiko ng ibahagi niya sa kanyang Instagram post ang kanyang “pixie cut” hair na bagay na bagay sa kanya. Ngunit ang mas naging sorpresa sa lahat ay kasabay nga nito ay ang naging pagbibida rin ng aktres ng kanyang baby bump.

Dalawang buwan matapos ang kanyang naging pagbubunyag na siya ay nagdadalang-tao, sa isang virtual interview ni Ryza sa StarStudio.ph ay kanya ngang ibinahagi ang nararamdaman niya ngayong siya ay nalalapit ng maging isang ina, at maging ang patungkol sa kanyang non-showz parter na isang cinematographer na si Miguel Antonio Cruz.

Ika-31 ng Oktubre taong 2020 ng isilang ni Ryza ang isang malusog na baby boy, at ito ay pinangalanan nilang si baby Night. Magmula nga ng isilang ng aktres ang kanyang anak, ay madalas na niyang ibahagi ang kanyang journey bilang isang first time mom, at makikita naman kung gaano nga talagang minamahal at inalaagaan ni Ryza ang kanyang anak na si Night.
Sa ngayon ay mas prayoridad ng aktres ang pag-ukulan ng oras at panahon ang pag-aalaga sa kanyang anak.

4. Coleen Garcia

Credits: Coleen Garcia | IG

Bago pa man magdiwang ng kaarawan ang aktres na si Coleen Garcia noong nakaraang taon, ay natanggap na ng aktres ang pinakamagandang regalo sa kanyang buhay mula sa Diyos, at ito nga ay ang naging pagsilang niya sa panganay na anak nila ng asawa niyang si Billy Crawford.

Isinilang ni Coleen ang anak nil ani Billy na si baby Amari, isang malusog na baby boy noong buwan ng Setyembre taong 2020, ito nga ay dalawang taon makalipas ang naging engrandeng kasal nila na ginanap sa Balesin Island noong taong 2018.

Dahil naman sa nararanasan na natin ang pandemya ng kabuwanan na ni Coleen, ay nagdesisyon sila na isilang via ‘waterbirth delivery’ sa kanilang tahanan ang panganay na anak, upang mas masigurado ang kanilang kaligatasang mag-ina.

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na ngayon ay mas pokus si Coleen kay baby Amari, at ine-enjoy nga niya ang pagiging isang ina.

5. Assunta de Rossi

Credits: Assunta De Rosi | IG

Iniwan ng aktres na si Assunta de Rossi ang kanyang showbiz career ng siya ay magpakasal sa business-politician na si Jules Ledesma. At sa mahigit labing-walong taon nilang paghihintay na mag-asawa na magkaroon ng kanilang anak, ay nabigyan ng katuparan ng isinilang nga ng aktres ang panganay nilang anak na si baby Fiore.

Ayon sa naging panayam kay Assunta sa I Feel U noon lamang buwan ng Pebrero, ay ibinahagi niya na itinuturing talaga nilang isang malaking blessing ang pagdating ni baby Fiore sa buhay nilang mag-asawa. Para rin sa kanila ay isang ‘miracle baby’ ang kanilang anak na isinilang nga niya noong ika-23 ng Oktubre taong 2020.

6. Toni Gonzaga

Credits: Celeistine Gonzaga | IG

Tinaguriang “Multimedia Supertar” ang actress, host at performer na si Toni Gonzaga sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang kahanga-hangang talento sa mga larangan na ito. Ngunit ang pinakahinahangaan nga kay Toni ng marami niyang mga tagahanga, at maging ng mga taong malalapit sa kanya ay ang kanyang pagiging isang mabuting ina sa kanyang anak na si Seve.

Matatandaan na noong ika-15 ng Hunyo taong 2015 ng ikasal si Toni Gonzaga sa filmmaker na si Paul Soriano, at noon namang ika-30 ng Setyembre taong 2016 ng dumating sa buhay nilang mag-asawa ang kanilang panganay na anak.

Sa kabila naman na parehong nagtatrabaho sina Toni at Paul, ay sinisigurado naman nila na ang anak nilang si Seve ay hindi lalaki lamang sa pangangalaga ng ‘yaya’ nito, kundi may isa ring kapamilya nila ang nakaantabay dito.

7. Janella Salvador

Credits: Janella Salvador | IG

Mas naging malapit ang aktres na si Janella Salvador sa kanyang inang si Mommy Jenine Deserio ng maging isa na rin siyang ganap na ina sa kanyang anak na si baby Jude.
Matatandaan na naging lihim sa publiko ang pagdadalang-tao ng aktres. Ngunit noon ngang unang buwan ng taon, buwan ng Enero sa YouTube channel ni Janella, ay kanila ng ibinahagi ang pagdating ni baby Jude sa kanilang buhay na isinilang nga ng aktres noong ika-20 ng Oktubre taong 2020 sa Bath, Somerset, England.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *