Kapuso Comedienne Kiray Celis, Inalala ang mga Panahon na Kasama Niya ang Komedyanteng si “Mahal”

Isa ang komedyanteng si Kiray Celis sa malalapit na kaibigan ni Noeme Tesorero o mas nakilala nga ng publiko bilang ang komedyanteng si “Mahal” , sa mga talagang nalungkot at hindi inasahan ang biglang paglisan sa mundong ibabaw ng kaibigang komedyante.

Credits: Facebook | Image

Noon nga lamang ika-31 ng Agosto 2021 ay nagulantang ang publiko ng lumabas sa balita na ang 46-taong gulang na komedyanteng si Mahal ay namaalam na. At ito nga ay talaga namang nakabibigla dahil halos sa araw-araw na napapanood si Mahal sa kanyang mga vlogs kasama ang kanyang partner na si Mygz Molino ay napakalakas pa nito.

Sa biglaan ngang paglisan ng komedyante, ay isa si Kiray sa labis na nalungkot. Kaya naman sa Instagram ng actress-comedienne ay kanyang inihayag ang pangungulila niya sa kaibigan na naging malapit sa kanya.

Credits: Facebook | Image

Mababasa nga sa naging pahayag ni Kiray sa kanyang IG post ang naging pangangamusta niya kay Mahal, ngayon na ito ay nasa kabilang-buhay na. saad pa ng komedyante, nawa ay masaya na ang kaibigan kung nasaan man ito ngayon at sana ay kasama na nga nito ang ama na kamakailan lamang din ng pumanaw.

Credits: Kiray Celis | IG

“Hello ate noeme ko! Happy ka po siyan kasama ng papa mo?! Sana di ka na po nahihirapan diyan ate mahal ko”, saad ni Kiray.

Ipinahayag rin ng komedyante sa kanyang post, n asana ay hindi kalimutan ng mga tao na kamustahin ang pamilyang naiwan ni Mahal, ganun rin ang partner nito na naiwan na si Mygz Molino na siya ngang nagbigay kasiyahan sa buhay ni Mahal sa mga huling sandali niya rito sa mundong ibabaw.

“At wag rin po nating kamustahin ang family ni ate saka ni kya Mygz”, dagdag na saad pa ng komedyante.

Muli namang binalikan ni Kiray ang mga masasayang sandali na kasama niya si Mahal, ganun din kung paano niya nasaksihan ang pagmamahal at naging pag-aalaga ng partner nitong si Mygz sa komedyante. Ayon pa kay Kiray, talagang saludo siya sa naging ‘love at care’ ni Mygz para sa kanyang ate Mahal.

“Saksi kaming Owe My Love family ni ate mahal, kung gaano niya po mahalin, alagaan at bantayan si ate mahal.”

“Sobrang saludo kami kay kuya Mygz. Pagpray po natin si ate, family niya saka po si Kuya Mygz. Salamat po”

Credits: Kiray Celis | IG

Nagbigay trivia din si Kiray patungkol sa kaibigan at itinuturing niya na ate na si Mahal, saad niya, si Mahal ang gumanap na “Kokey” noon sa naging pelikula ng aktor na si Carlo Aquino.

Sa naging pagtatapos naman ng mensahe na ito ni Kiray ay inihayag niya ang labis pa rin niyang nadaramang kalungkutan sa pagkawala nito. Dagdag pa niya, marami sila na nagmamahal sa komedyante, at hind inga basta-basta makakalimutan ang mga sandali na nakasama nila ito.

“Hayyy ate Noeme… sarap balik-balikan ng mga masayang panahon na nakasama ka namin. Mahal na mahal ka naming ate!”, pagtatapos na saad ni Kiray.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *